The Professor - End

225K 1.6K 347
                                    

The feeling is unbelievably ecstatic! She wants more, she needs all of him inside her. Ngunit kung kailan nasa rurok na ng init ang dalaga ay bigla na lang huminto si Franz.

Nagtaka si Yana sa nangyayari...

"B-bakit Sir?" pabulong na tanong ni Yana sa lalaking kani-kanina lang ay kinamumuhian niya.

"Umuwi ka na Yana..." malamig na sinabi ng propesor habang minamasahe sentido.

"Sir, paano naman po..." sambit ni Yana. She wants to say "let's do it Sir, please... pleasure me." pero hindi niya magawang sabihin.

"Don't worry about the grades, I'll fix it tomorrow," diretsong sinabi ni Sir Franz.

Naguguluhan si Yana sa biglang pagbabago ng ugali ni Sir Franz.

"Mabaho ba ako? Baka naman bad breath ako? Oh my God! What's wrong with me?"

Dali-daling inayos ng dalaga ang sarili at mabilis na umalis sa apartment ng propesor. Habang naglalakad siya ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan.

•••••

Humahangos si Allen sa paligid ng campus. Panay lingon niya sa paligid at umaasang makita kahit anino ni Yana. Napagtanto na niyang naging masama ang tabas ng kanyang dila. Imbes na damayan ay tila inilubog pa niya lalo ang kasintahan.

Ngunit ilang oras na siyang ikot ng ikot sa school ay hindi pa din niya makita si Yana! Naka-ilang text at tawag siya ngunit wala pa ring sagot!

"Oh pare sinong hanap mo?" tanong ng kaibigan ni Allen na tila kanina pa pinapanood ang pagdurusa niya.

"Hinahanap ko si Yana tol, nakita mo ba siya?" hinahapong tanong ni Allen habang hinahabol ang hininga.

"Nagalit kasi sa akin eh, hihingi sana ako ng sorry," dagdag pa niya.

Nag-isip ang kaibigan, tumikhim bago muling nagsalita.

"Alam mo pare nakita ko siya kanina sa SM, kasama n'ya 'yong manyak na prof sa Mechanics. Ewan ko ha, pero baka nagkataon lang."

"Baka nga tol, parang wala naman siyang kailangan kay Sir Hernan," pagtatanggol ni Allen sa kasintahan.

"Ah buti naman, sige at uuwi na ako. Galingan mo sa panunuyo."

"Sige tol, salamat." Pilit na ikinubli ni Allen ang emosyon...

Makaraang marinig ang sinabi ng kaibigan ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Unti-unti ay lumalaki ang paghihinala sa kanyang pusong kinakain ng selos.

"Bakit kailangan na magkasama ang putang inang prof na yun at girlfriend ko sa mall? Ano'ng special project ang plano nilang gawin?" tanong niya sa sarili kahit alam na alam na naman niya ang kasagutan.


Pasado alas otso ng gabi, tanging ilaw mula sa mga poste ang nagbibigay ng liwanag sa nilalakaran ni Allen. Basa ang kalsada dala ng malakas na buhos ng ulan at mangilan-ngilan lamang ang sasakyang dumadaan...

Ilang saglit pa ay natagpuan ni Allen ang sarili sa harapan ng bahay nila Yana. Napalunok siya, pinahid ang pawis sa noo at kinamot ang nguso bago naglakas-loob na kumatok sa gate.

Ilang saglit pa ay bumakas ang pinto, tumambad sa harapan ng binata ang may-edad na babae, mataba ito, pero bakas pa rin sa maamo at mabait na mukha ang kagandahan, "Allen iho bakit ginabi ka? Tara tuloy ka," sambit ni Tita Cely, ang nanay ni Yana habang binubuksan ang gate.

"H'wag na po Tita, kakamustahin ko lang si Yana," matipid na tugon ng binata. Nananalangin na sana ay nasa bahay si Yana, na sana ay tsismis lang ang nabalitaan niya kanina!

Erotica CollectionWhere stories live. Discover now