02- Reunion and the Crooner

3.7K 59 20
                                    

02- Reunion and the Crooner

Charles

“You should come sa college reunion natin Charles. Stop acting like some kind of love sick puppy”. Pamimilit sa kanya ng pinsan niyang si Mitch.

“Lovesick puppy? Parang noong iniwan ka ni Drake noon halos mabaliw ka. Ako pa lovesick puppy?”. Sagot ni Charles

“This is isn’t about me. It’s about you”.

“wala akong pakialam sa reunion na yan okay”. Iritang sagot ni Charles.

“Okay since you’re not interested kami nalang ni Drake ang pupunta and I’ve heard that Lex is coming in the reunion”.

“Teka? Pupunta si Lex?”. Hinawakan ni Charles sa braso si Mitch

“kala ko ba di ka interested? Wag ka ng sumama okay na”.

“sasama ako kung darating si Lex. Kelan ba yung reunion na yan?”. Tumayo si Charles.

“after an hour”. Tumingin si Mitch sa wrist watch nito.

“An hour? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?”. Hinawakan ni Charles sa magkabilang braso si Mitch.

“Chillax bro! ilang araw ka ng di maka usap ng matino. Lagi kang wala sa sarili papano ko ba masasabi sayo. Kung ako sayo mag ready ka nalang. Formal ang theme ng reunion kaya mag ready ka na”.

Agad namang tumakbo si Charles sa kwarto niya para magbihis. Andaming tanong na gumugulo ngayun sa utak niya. Bakit biglang nawala na parang bula si Lex. Kasal na ba siya? Anak niya ba yung malditang batang yun? Asawa ba niya si Sir James?

Tahimik lang si Charles sa buong byahe nila papunta sa dating university nila. Ihihahanda niya ang sarili niya sa kung ano mang pwedeng mangyari. He’s preparing his self for the worst.

****

William

“kayo na po next in line na kakanta sir”. Paalala sa akin ng organizer ng nasabing reunion.

“Okay”. Nginitian ko siya at halata naman sa babae ang di mapigilang kiligin. Isa sa epekto ko sa mga babae na tingin ko palang makalaglag ng kung anong pwedeng malaglag. Sanay akong ako ang hinahabol ng mga babae. Wala pang babaeng naka resist sa pheromones ko.

Narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao at ako na nga ang next na kakanta. Dahan dahan akong naglakad sa stage at narinig kong nagsimulang mag hiyawan ang lahat mga kababaehan. Ginala ko ang tingin sa buong venue di nga ako nagkakamali lahat ng babae nahulog nanaman sa charms at gwapong lalaking nasa harapan nila.

Lumingon ako sa table na nasa side may nakita akong babae na nung makita ako ay nagsuot ng earphones. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa and she even rolled her eyes at me. Di ko mapilan na maasar at mainis sa babaeng yun. Maganda siya at mukhang sosyal kaya lang hindi siya nagpakita ng kahit one percent na interest sa akin.

Nagsimula ng tumugtog yung banda at kumanta narin ako ng kanta ni Bruno Mars na Just the way you are. Habang kumakanta ako pinagmamasdan ko parin yung babaeng snob sa gilid na table this time she looked at me na parang bored na bored siya at nakikita kong pinaglalaruan niya yung pagkain sa plate niya,

Tumingin ako sa crowd at nakita kong kumikislap ang mga mata ng ibang babae sa paghanga sa galing kong kumanta. Bakit etong kaisa isang babaeng hindi manlang na appreciate na ang isang gwapong tulad ko. Nang matapos ang unang kanta ko sobrang kilig at palakpak ang mga kababaihan.

“Just a short introduction about myself. I am William Acosta and I will be serenading the girl who caught my attention today”.

Nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa venue. Kanya kanyang volunteer kung sino ang gusto kong haranahin. Pero ang totoo kanina pa ako nakapili. Yung babae sa gilid ang gusto kong haranahin. Gusto kong i-prove  sa kanya na kahit siya mahuhulog sa akin.  Nagsimula na akong bumaba ng stage at naglakad papunta sa table ni Snob Girl.

Hinawakan ko siya sa kamay at tiningnan ako ng masama. Biglang nanlamig yung mga palad ko sa sama ng tingin niya sa akin. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganoon tumingin sa akin. Pinagpatuloy ko parin ang paghawak sa kamay niya.

“What do you think you’re doing?”. Tanong niya sa akin sabayan pa ng murderous look niya sa akin.

“Go Celine”. Cheer sa kanya ng mga tao  na kasama niya table.

Tinanggal niya ang suot niyang earphone at inilalayan ko siyang tumayo. Naglakad kami papuntang stage at nagsimula na yung next and last song number ko.

Close your eyes, make a wish

And blow out the candlelight

For tonight is just your night

We're gonna celebrate, 

All through the night

Habang hawak ko yung mga kamay niya. Unti unti kong nararamdaman yung pagkawala ng temperature ko sa katawan. Nanginginig na yung mga kamay ko pero pinagpatuloy ko parin ang pagkanta. Napansin kong may lalaking ang sama rin makatingin sa akin mula sa table ni Snob Girl.

Pour the wine, light the fire

Girl your wish is my command

I submit to your demands

I will do anything, 

Girl you need only ask

Plano ko mamaya sa finale na dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya para lang makuha yung attention niya dahil kasi na nasa harapan na niya ako mukhang di parin siya interesado sa akin.

I'll make love to you

Like you want me to

And I'll hold you tight

Baby all through the night

I'll make love to you

When you want me to

And I will not let go

Till you tell me to

Ano bang mali o kulang ngayon sa akin at dedma lang sa akin ang babaeng eto. Pagkatapos ng kanta ko nakaluhod na ako sa harapan niya na parang mag pro-propose ng kasal.

“OMG! What are you doing?”. Saway niya sa akin. Napatakip siya ng bibig sa ginawa kong pagluhod. See? Kinikilig na siya. Dadagdagan ko pa yan.

“What’s your name miss?”. Polite kong tanong sa kanya.

“Celine Aragon”. She flashed a dazzling smile at me. Pakiramdam ko matutunaw ako anytime sa mga ngiting yun. “and my fist wants to make love with you too”. Bigla ko nalang naramdamang may kung anong malakas na tumama sa mukha ko. “Walangya ka! Bastos!”. Naramdaman kong may sumisipa sa akin ng malakas.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nakahiga na ako sa sahig at nakita ko siyang nagpalpag ng kamay at hinipan yung kamao niya. Nagsigawan yung mga babae sa venue. Ang huling kong naalala ay ang dahan dahan niyang paglalakad palayo sa akin bago pa man ako mag black out.

🎉 Tapos mo nang basahin ang He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going] 🎉
He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon