Chapter 48 Sparks Fly

4.4K 39 12
                                    

Chapter 48 Sparks Fly

 

“Ice ibaba mo na ako! Kanina pa tayong pinagtitinginan ng tao!”. Tama ba namang isampay ako sa likod niya na parang kargador lang ng gulay sa may palengke. Yumuko nalang ako dahil ang dami daming taong tumitingin sa amin. Worst pa kinukunan pa kami ng picture.

“Wag kang magalaw Lex”. Saway sa akin ni Ice.  Pero halata sa boses niyang nag eenjoy siya sa pang aasar sa akin.

“Buset ka talaga Ice!”.  Bigla niya akong binaba at mukhang natulala siya. May dumaan bang minions? O baka naman yung unicorn ni Agnes biglang nabuhay. Kinaway ko sa harapan niya yung kamay ko pero wala padin. Mukha siyang na engkanto.

“Oi Ice! Hoy!”. Niyugyog ko yung magkabilang braso niya.

“Bu-buset ba talaga ako?”. Tanong niya sa akin na mukhang ewan padin.

“Joke lang yun ano ka ba”. Hinampas ko siya.

“Talaga?”. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

“oo. Saws”.

“Akala ko totoo na. Kain tayo”.

“Saan naman?”.

“ikaw saan mo ba gusto?”.

“sa Korean Restaurant kaya? Sa basta? Di ko alam pangalan ng restau e. Tagal ko ng gustong i-try dun”.

Tagal ko ng gusto kumain sa restau na yun kaya lang mukhang mahal at di ko afford. Kaya papasama ako kay para magpa libre.

Naglakad lang kami ni Ice papunta doon dahil hassle lang ang kotse at hindi naman ganoon kalayo yung pupuntahan namin.

“Malayo pa ba tayo?”/. pang sampung beses na niyang tanong sa akin.

“Ang OA nito. Para 1km palang nilalakad natin”.

“1km? dapat kase nag kotse nalang tayo”.

“o sige mag kotse tayo tapos susukahan kita. Ano game?”. Hinatak ko siya pabalik sa direction ng pinanggalingan niya.

“sabi ko nga maglakad nalang tayo”. Inakbayan niya ako.

Psh takot palang masukahan e. Ewan ko ba kung anong meron sa bituka at internal organs ko. Hindi sanay sa sosyal. Pang kwek kwekan lang yata beauty ko.

“Were here”.

“Buti naman. Pawis na pawis na ako”. Pag rereklamo niya habang nagpupunas ng pawis.

“Isipin mo nalang nag work out ka diba”. Tinap ko yung shoulder niya.

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon