Chapter 32 College Days

8.2K 68 14
                                    

Chapter 32 College Days

Ang huling nakita ko lang ay isang nakakasilaw na liwanag.

***

[College Days]

“Yes! Summer na!”. sigaw ko.

“masyado ka naman yata masayang mag summer Lex”. Sagot sa akin ni Mitch

“Paanong di ako magiging Masaya. Makakapag laro ulit ako ng online game ko. Antagal na kayang naka tambay yun. I’m so outdated Mitch”. niyugyog ko siya.

“Ops Lex tama na ang yugyog kay Zyle baka matagtag utak niyan. Wala pang maisagot sa last exam natin. Detachtable pa naman utak niyan”. Away sa akin ni Drake.

“Aba! Darling ginaganyan mo na ako ngayon. Hmp”. Tumalikod si Mitch.

Joke lang naman darling”. Niyakap ni Drake si Mitch sa likod. Yang dalawang yan lageng mag aasaran tapos magyayakapan pa bigla sa harapan ko. Nakaka asar lang. Lumingon ako sa kabila parang andame yatang mag couple sa classroom namin.

“Tingin ka ng tingin diyan sa mga mag jowa tapos maiinggit ka”. Bulong sa akin ni Charles. Si Charles enemy number 1 ko since elementary. Walang magandang magawa kundi asarin ako ng asarin sa buhay

“Mukha mo. Tantanan mo ko Charles”. Ewan ko ba sa lalaking eto. Kapag nakikita ko siya gusto kong gilingin at gawing corn beef. Naaalibadbaran ako sa pagmu-mukha ng lalaking eto. Masyadong self centered.

“Mukha ko? Gwapong gwapo! Di ka ba natutuwa? Pinapansin kita. Samantalang yung iba halos maglaslas sa harapan ko para lang pansinin ko sila”.

“yeah I perfectly still remember Carla’s scene last year. Happy? So pwede shooo. Go away”.  Yeah you heard us. Someone tried to open her veins in front of us just to get Charles attention. In short naglaslas talaga siya sa harap naming magbabarkada. Buti nga di natuluyan. Sayang nag miss sa mismong veins. Yan gumagana nanaman evil mind ko. Psh.

“Nag iisip ka nanaman ng masama noh”. Si Charles nanaman.

“paano mo nalaman?”.

“tumatawa ka nanaman kase na parang witch”. Sagot niya sa akin.

“Kung ako sayo nag re-review ka nalang. Baka bumagsak ka nanaman. Another year for summer mo nanaman eto’. Pagyayabang ko. Every year na yan nag su-summer class masyadong suki ng summer  kaya yumayaman sila Drake e. Well Drake owns the school. Yaman nila noh! Third year College na pala kami at next school year fourth year na~

“gwapo naman”. Pagyayabang niyan din sa akin.

“oo nga e. Lahat ng pwedeng ilagay sa utak mo napunta sa kayabangan mo”.

“Oy! Tama na yan. Kanina pa kayo nagsasagutan”. Awat sa amin ni Luziel. Si Luziel na may boyfriend na Grant ang pangalan.  Na nakaka loka ang lovestory niya dahil etong si Grant saksakan ng torpe sagad  yata kahit after life e. Buti nalang malakas loob nitong si Luziel siya pa ma mismo nanligaw kay Grant at ngayun nga ay sila na at masayang Masaya.

“Okay Class let’s begin your exam”. Nagising ang aking diwa sa boses ni Mr.Yuzon. Ang gwapo gwapo talaga ni Sir. Phew!

“Ang gwapo talaga ni Sir noh!”. Tinusok ni Mitch yung nagiliran ko.

“Zyle”. Drake is using his warning tone. Tiningnan ng masama ni Drake si Mitch.  Ayun takot si bespren. Nag peace sign nalang si Mitch kay Drake.

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon