WattBlog #5 - Disappointed

7 0 0
                                    

Date: 20160829

May mga bagay talaga na hindi na pwedeng tulad ng dati. Hindi dahil nag-iba yung tao pero dahil iba na ang sitwasyon.

Ang nakakalungkot lang, balewala ka na sa taong gustong gusto mong makausap dahil, hindi na tulad ng dati ang sitwasyon niyo.

Yeah, this is actually somehow a continuation of my WattBlog #4 entry.

So I gathered all my strength and confidence para i-chat siya at sabihing miss ko na siya. Nagreply naman siya. Pero hindi yung reply na may tono ng pagkamiss. Baka ako nga lang talaga yung nakakamiss sa kanya. Baka ako lang talaga yung nakakaalala ng friendship namin o kung may nabuo mang friendship.

Kaya di ko na siya nireplyan. Ayoko naman maging desperate.

Siguro nga nagpapansin lang ako sa kanya. Pero yung reply niya, hindi naman kareply-reply. Kaya di ko na siya nireplyan.

Saya diba?

Basta ganun lang. Ang prinsipyo ko kasi kung hindi naman interesado sayo yung tao, wag mo na ipagpilitan ang sarili mo. Pag ramdam mo na hindi naman siya interesadong kausap ka, wag mo na kausapin kasi madidisappoint ka lang sa mga sasabihin niya.

Hayaan mo na lang na siya na ang makamiss sayo. Kasi kung mamimiss ka man niya, siya na ang unang-unang magrereach out sayo.

Mas pahalagahan mo ang sarili mo kaysa iba dahil kung patuloy mong ilalagay ang sarili mo sa sitwasyon ikapahihiya mo, more often than not, you'll end up disappointed to yourself.

WattBlogWhere stories live. Discover now