WattBlog #3 - Childhood

14 0 0
                                    

Date: 20160823

Wazzup yo!

Kung binabasa mo 'to, siguro teenager ka na. Pwede rin naman, mga 40% guess, 8-12 years old ka pa lang. Pero 60%, teen ager ka na! So ewan ko kung makakarelate ka dito or hindi. Nevertheless, dumaan ka rin sa childhood stage.

Hindi perfect ang childhood ko. In fact, punong puno ng cliché na drama ang childhood ko. Pero kung may pagkakataon na bumalik ako sa childhood ko, babalik at babalik ako. Hindi para itama ang mga pagkakamali ko, ngunit para maramdaman muli ang kasiyahang naranasaan ko noon. Actually, di lang kasiyahan eh. Experience. Gusto kong maranasang muli yung mga kalokohan, kabaliwan, kacornyhan, kaharutan, atbp. na mga pinaggagagawa ko.

Ang pagkabata ko ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Careless, clumsy, playful, gamer, batang kalye, madungis, mabaho, jologs. Ganyan ako noong bata pa. Buong araw na nasa lansangan para maglaro.

Piko, pogs, text, trumpo, tansan, goma, patintero, batuhan tao, agawan panyo, step-no, 10-20, chinese garter, triangle, nanay tatay, beinte uno, block 123, monkey monkey anabell, langit lupa, ice water. Name it!

Inaabot kami ng gabi kakatakbo. Tapos parang OP ka kinabukasan pag di ka kasali sa kaganapan. Madami kasing nangyayari sa isang araw, tapos siyempre pag uusapan kinabukasan.

Yun yung mga panahong hindi mo masyadong iisipin ang pera. Ang iisipin mo lang ay paano mananalo sa mga laro. Kahit nauso na ang computer, Red Alert, Vice City, Counter Strike, O2 Jam, friendster, yahoo messenger, frenzy, hindi pa rin natatapos dun ang pagkabata namin naglalaro pa rin kami sa kalye. May interaksyon pa rin.

Nakakamiss lang yung ganun. Minsan nga pag may nadadaanan akong lugar na malawak at may mga batang nagtatakbuhan, bumabalik ako sa nakaraan. Napapangiti na lang ako at naiinggit. Parang gusto kong may magsabi sakin ng "tara! laro tayo!" Navivisualize ko ang mga ginagawa ko noong bata pa ko. May kakaibang feeling akong nararamdaman.

Ngayon, halos puro gadgets na ang kaharap ng kabataan. Nawawala na yung personal interaction. Pero hindi mo naman masasabing mas better ang kabataan noon kaysa ngayon. Kasi iba na rin ang galaw ng mundo. Ang gadgets na ang nagiging libangan ngayon. Siguro mas nadevelop lang gadets ngayon kaya mas nagagamit siya ng kabataan pero kung maraming naglabasang gadgets noon, sigurado ako na para na rin tayong zombie.

Kaya wag na ikumpara ng batang 90s ang paraan ng pamumuhay natin sa kasalukuyang mga kabataan. Bagkus, iintegrate natin yung kultura natin noon sa kultura ng kabataan ngayon. Matuto tayong yakapin ang kasalukuyan at makisabay sa agos ng panahon hindi dahil takot tayong mapag-iwanan, kundi para mas maunawaan natin ang isa't isa, mas maging progresibo tayo, at mas maging kapakipakinabang sa lipunan.

Gawin nating instrumento ang ating kabataan upang umahon sa nakaraan, mabuhay sa kasalukuyan, at harapin ang kinabuksan.

WattBlogWhere stories live. Discover now