WattBlog #4 - I Miss You

14 0 0
                                    

Date: 20160828

Ang daling sabihin ng salitang I miss you sa kaibigan o pamilya mo. Minsan kahit hindi mo naman talaga namiss, once na nagsabi sila ng "I miss you" S.O.P na magsabi ka ng "I miss you too!" or kung matagal mo nang di nakita, kahit di mo talaga naramdaman yung pagkamiss, magsasabi ka na lang bigla ng "Oy namiss kita!"

Pero ang hirap pala sabihin yung mga salitang yun sincerely sa taong gusto mo pero ayaw mong aminin na gusto mo siya.

Pero bigla kitang namiss. Bigla kitang gustong i-PM na "namiss na kita! labas naman tayo minsan." kaso alam ko na ang isasagot mo. Busy ka na eh. Hindi na tayo tulad ng dati. Hindi ka nagbago pero yung sitwasyon, ang laki ng pinagbago.

Pero pano ba tayo dati?

Throwback:
2010, nababasa ko na yung name mo sa isang chatroom pero hindi pa yata tayo nagkausap dun. One day, habang nasa school ako, nag GM ka. I was wondering who you were. So nagreply ako, tinanong kita kung sino ka at pano mo nakuha number ko. Nagpakilala ka. Eh nung time na yun nag quit na ko sa chatroom na yun. So sabi ko wag mo na ko itext. Pero sabi mo ok lang, pwede pa naman tayo maging friends kahit wala na ko sa chatroom na yun. So ayun, uso pa kasi GM, text, tawag nun. Lagi mo ko pinadadaanan ng GM at ganun din ako sayo. Sometimes you reply, minsan hindi. Pero ok lang kasi wala naman akong feeling sayo.

Ang hilig natin magbiruan. Nagpapalibre ka, nagpapalibre ako pero hindi pa tayo nagkikita. Kaya nagyaya ka na magkita tayo. Pero walang time. Hindi magkatagpo schedule natin at parehas tayong walang pera.

After a year, nagkaroon na tayo ng pagkakataon. Suspended ang class kasi malakas ang ulan. So nagtext ka na magkita na tayo.

Finally, nagkita na tayo. I was a bit nervous. Di ko alam sasabihin pero napaka jolly mo as ever!

Ayuun kumain lang tayo tapos kwentuhan. Ako lang yata nag consider nun as date.

After nun, tambay pa tayong konti tapos umuwi na rin.

Matagal din bago nasundan yung pagkikita natin.

Magkakaroon tayo ng meet up with other members. We both wanted to go but afraid to be out of place. So we asked each other's opinions.

We met again. Pero saglit lang kasi I had class.

Pero nasundan naman yung meet up with the group. Again, we asked for each other's opinion. I felt like a friend. pero our friendship is kind of queer. We tend to tease and annoy each other. That's how our friendship went. I liked you even before I realized it. I know.

Ikaw yung taong hindi madaling ma-offend. Napakaconfident mo. Tingin ko nga ang happy go lucky mo eh. Napakamasayahin mo. I even asked you, nalulungkot ka ba? Kasi parang ilang sayo ang kalungkutan. O baka dahil online lang naman tayo magkausap? Baka hindi naman pala kita talaga kilala?

I got a boyfriend. I thought of giving up our friendship because he was a jealous type but I'm glad I did not kasi nung nagbreak kami, you were the person I wanted to talk to para ngumiti.

Nahilig ka sa kpop. Pero nauna ko sayo at alam mo yun. Nagustuhan mo din yung group na gusto ko. At tulad ng dati, ang hilig pa rin natin inisin ang isa't isa. Gusto mong pumunta ng Korea. Niloloko mo ko na pupunta ka na ng Korea kasi member ka na kpop group na gusto natin. I told you, kapal mo! But if you could only see me at that moment, I was smiling from ear to ear.

There was also a time na nagskype tayo and you danced! Sinayaw mo yung bagong kanta ng kpop stan ko! Unfortunately, ikaw lang ang may cam nun kaya di mo nakikita kung gano ko kasaya nun at sobrang tawa ko. Ikaw lang ang nakakapagpangiti sakin ng sobra.

Mas lumalim pagkagusto mo sa kpop. You wanted to change your hairstyle. You kept on asking for my opinion kung bagay ba or hindi. And I gladly gave you my honest opinions and suggestions though minsan pinagttripan kita. Pero ang saya ko nun kasi sakin ka nagtatanong.

Mas lumalim yung pagkagusto mo sa kpop. You wanted to go to events, so tatanungin mo ko kung pupunta ba ko or hindi. So dun nagkikita tayo. Dun tayo nagkakasama. You were just an event goer back then pero unti unti nang lumalawak ang mundo mo sa kpop.

Until one day, nag pm ka sakin asking for a direction para makapunta sa certain place. May nag invite kasi sayo sumali sa cover group. I gave you the direction, though gustong gusto kitang samahan, kaso may pasok ako.

Hanggang sa sumali na kayo ng contest, hindi ako nakakapunta dahil busy ako. Lagi kayong panalo. Unti-unti lumalawak na ang mundo mo sa kpop. Unti-unti, nakikilala na kayo. Ikaw. Unti-unti, hindi mo na ko tinatanong about sa susuotin mo, sa hairstyle mo, sa directions.

Nakarating ka na ng Korea. Narating mo na yung dream mo.

You don't have any idea how proud I am sayo.

Kinulit kita, na dalhan mo ko ng pasalubong pero wala. Sabi mo wala kang pera. Pero, yung nalilink sayo, binigyan mo. I was just a bit hurt pero ok lang. Ok lang ako.

Ngayon? sobrang dalang na natin mag-usap. Noon, sinasabi ko na ako ang number 1 fan mo. Pero hindi na ngayon. Mas marami na silang fan mo. Mas marami na silang updated sayo. Mas marami nang nagbibigay ng gift sayo. Mas marami nang may gusto sayo.

Gusto kita, oo. Pero don't worry. Pinigilan ko. Ayoko kasi masira yung friendship natin. Alam kong nasabi ko na gusto kita, pero di ko alam kung hindi mo sineryoso o ayaw mong seryosohin dahil masyado kang mabait, ayaw mo maging awkward.

So inistalk kita ngayon. At namiss kita. Bigla kitang namiss.

Ang layo layo mo na sakin. Hindi na kita maabot. Alam ko sasabihin mo "hindi naman" pero hindi ko sasabihin sayo to dahil alam kong ayaw mo ng drama. Pero kung alam mo lang, gustong gusto kitang makita. Gusto na ulit kitang makakulitan.

Pero bakit ganun?Feeling ko, fan mo na lang din ako? O fan mo lang ba talaga ako at hindi kaibigan?

Namimiss ko na yung dati. Namimiss ko na yung kulitan natin. Yung mga kwento mo. Yung pagbabahagi mo ng pangarap mo. Kahit na friends lang, ok na. Wag mo lang sana totally, kalimutan yung pinagsamahan natin kasi ngayon, gustong gusto ko nang i-chat ka at sabihing.

"I miss you"

WattBlogWhere stories live. Discover now