WattBlog #2 - STRESS LIFE

8 0 0
                                    

Date: 20160822

Nakakastress naman mabuhay! Yung tipong gigising ka para harapin yung stress mo tapos bago ka matulog stress ka pa rin. Ano ba, life?!

Iniisip ko nga minsan, buhay ka pa ba? Parang humihinga ka na lang pero hindi mo na ramdam ang daigdig.

Kapit lang! Pagsubok lang yan. Napakadali sabihin pero lumagay ka sa sitwasyong puro problema ang hinaharap mo, mahirap.

Ang hirap maging matatag kung walang nagbibigay sayo ng lakas.

Oo, nandyan ang Panginoon. Siya ang dapat kapitan at makakapagpatatag satin. Ngunit, ang kahinaan namang iyong kahaharapin ay ang dapat nagbibigay sayo ng dahilan para lumaban sa buhay at malagpasan ang mga pagaubok na ibinibigay Niya.

Minsan, aayaw ka na lang eh. Pero hindi! Dahil kung umayaw ka na, paano mo pa makikita ang ganda ng buhay?

Oo! Maganda ang buhay! Madami ka pang magagawa, maeexplore, mararanasan. Lumaban ka! Nakaabot ka nga ng ilang taon na puro tinik ang dinadaanan mo eh! malayo na ang narating mo. Hihinto ka pa ba?

WattBlogWhere stories live. Discover now