Chapter 6

6.6K 139 5
                                    

 MARGAUX MITCHELL’s POV

Yari talaga sa’kin 'tong Ford na 'to! Geez!

"Gusto mo?" Sabi pa niya habang sumusubo ng dessert. Kung hindi lang talaga siya mayabang edi sana sasabihan ko na siyang sweet pero hindi eh, nag-papatakam lang siya!

"Bilisan mo diyan at may bibilhin din ako!" Sabi ko na lang sa kanya at inirapan sya. Aminin ko man na naiinggit ako sa kinakain nya, kailangan hindi ako bumigay. Bakit kasi wala akong pambili ng dessert na 'yan. Bakit kasi ang mahal.

 

"Ayaw mo talaga?" Nakangisi nyang tanong sa’kin. Inirapan ko na lang ulit sya at nangalumbaba sa harapan nya. Syempre yung isang kamay ko ang ginamit ko kasi nakaposas kami. "Nga pala, nood tayong sine ah. Napag-handaan ko na 'yung ticket ko."

"Wala akong pera pang-bili ng ticket." Sabi ko na lang.

"Ah basta manonood ako, ikaw na bahala sa sarili mo." May sayad yata sa utak 'tong nilalang na 'to! Alam naman nyang nakaposas ‘yung kamay namin sa isa't isa tapos sasabihin nyang ako na ang bahala sa sarili ko? Talaga! Ako ang bahala sa sarili ko! Basta ba kalasin na nila 'tong posas na 'to. Nag mumukha kaming tanga dito sa mall eh.

"Alam mo kung ako sayo bilisan mo na lang kumain. Pinag-titinginan na tayo dito oh!" Kanina pa kasi ako naiilang sa mga titig ng mga tao at nag-bubulungan na rinig na rinig ko naman. Kesyo ang sweet daw namin, hindi daw mapag-hiwalay kaya nakaposas ang kamay namin. Kung alam lang nila na ang sarap bangasan ng taong nasa harapan ko.

"Alam mo, Gomez, special akong tao, hindi mo dapat ako pinag-mamadali. Baka mabulunan ako, pag-namatay ako, yari ka!" Pag-babanta nya pa.

"Special pala huh? S.C kamo!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Ayoko naman syang sigawan dahil nasa public place kami. 

"S.C? Souncloud? Ano 'yon?" Tanong nya at uminom ng tubig. 

"Special Child!" Sagot ko. 

"May sinasabi ka?"

 

"WALA! Tara na kasi! Baka nag-hihintay na sila sa baba, baka mamaya nandoon na pala sila sa labas tapos maiwan tayo tapos wala akong dalang pera at cellphone!" Kasi naman, wala talaga akong pera, wala kasi talaga akong madadalang pera kasi wala naman akong pera, nag-babalak nga akong mag-working student eh. 

"Seryoso ka? Wala kang dalang pera? Paano ka nakapasok sa Ford Acade---" Bago pa nya ipag-patuloy ang mga non-sense nyang tanong, nag-salita na ako. 


"Wag ka nang mag-tanong! Puro ka tanong! Mabulunan ka sana!" Mag-sasalita na sana sya nang biglang mag-ring ang mamahalin nyang cellphone sa ibabaw ng table. May kagat na apple na tatak sa likod at color black iyon. iPhone...

"Hello? WHAT?! HINDI PWEDE! Anong ano? BAKIT?! Ayokong kasama 'to! Aish! Badtrip!" Hindi ko sinasadyang makinig pero sino ‘yung tumawag at nabadtrip to? 

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon