Chapter 5

8K 183 13
                                    

 CHARLENE KAYLEY’s POV

Nag-lalakad lakad ako ngayon mag-isa dahil wala pa ‘yung tatlong bruha. Sanay na naman ako ever since dahil ako lagi ang nauunang pumasok dito. To think na ako ang pinaka-tamad mag-aral pero ako ang pinaka-unang pumapasok sa school. 

"My mag-tatransfer daw dito?"

"Gosh, sana naman mga boys diba."

 

"Yeah right, at tsaka bakit ngayon lang sila nag-enroll?”

 

"I don't know. Let's just wait."

'Yan ang naririnig kong chismis na nag-kalat dito sa  school habang nag-lalakad lakad ako. Hmm. May new transferees? Makiki-chika ako mamaya. Hihi. 

"Kayley!" 

"Ay kalabaw" Bigla kong sabi at hinawakan ko pa ang dibdib ko, pano naman kasi, bigla bigla na lang sumusulpot 'tong si Mitch "Oh? anong meron at basta basta ka na lang nang-gugulat diyan?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. 

“Wala naman. Eh bakit ikaw? Parang gulat na gulat ka nung tinawag kita, di ka na nasanay! Tsaka teka ano ‘yung nakikita kong nag-kukumpulang tao na puro ewan ko kung anong pinag-chichismisan nila." 

"Ah wala ‘yon. Mamaya ko sasabihin sa inyong tatlo nila Zaveara at Yvonne. Speaking of Yvonne and Zaveara. Ang tagal yata nila? Sigurado akong nag-halungkat na naman ng damit si Francesca at si Yvonne naman, siguradong na-late ng gising." 

  

"Hintayin na lang natin sila sa cafeteria. Anyway, anong sasabihin mo? Uy ha! may labidabi ka na ba diyan?! Sino? Sino?" Excited niyang sabi sa’kin at niyuyugyog pa ang balikat ko. Kahit kailan talaga 'to puro landi ang iniisip para sakin! 

"Utak mo ah, pero teka nga, may new students daw na dadating mamaya, ilan kaya?"

"Malay mo naman dalawa lang. Tsaka kailan pa ba naging bago satin 'yan eh halos every year may nag-eenroll dito sa Ford Academy." Sagot naman ni Mitch habang diretsong nakatingin  sa dinadaanan namin papuntang cafeteria.

  

"Speaking of Ford Academy… Hindi ka ba nag tataka? Diba ‘yung Cameron ay Ford?” Curious kong tanong. 

  

"Yup. Bakit? Stalker ka nun? Yuck ha! Nako, sinasabi ko sayo! Iwasan mo yang nararamdaman mo o kung maaari, kalimutan mo na, friend." Feel na feel nya ang pag-bibigay ng wrong advice kaya naman sinapak ko sya sa ulo. “Aray!" Reklamo nya at hinawakan ang bandang ulo nya na sinapak ko.

"Eh kasi naman, napag-usapan lang stalker kaagad? Tsaka may possibilities na sila yung may ari nitong Academy. Eh teka nga! Four years na tayong nag-aaral dito diba, eh hindi pa rin nag papakita yung may ari ng Academy na ito, tsaka outdated ba tayo?” Tanong ko kay Mitch at nilingon sya. Lumingon din naman sya sa’kin nang nakakunot ang noo.

Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon