Chapter 14

3.9K 116 27
                                    

MARGAUX MITCHELL’s POV

"Yow." Nagulat ako nang may umakbay sa’kin. Nilingon ko ang lalaking may makapal na mukha na umakbay sa’kin. Umagang-umaga ang pangit na agad ng bumungad sakin. 

"Kailangan mo?" Naasar na tanong ko sa kanya. 

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nung nang-yari ‘yung sa karenderya ni Mama. (Chapter 13)  At isang buwan ko na rin pinag-titiisan ang ugali ng halimaw na 'to. Half halimaw half hudas 'tong mokong na ‘to eh. Speaking of 1 month, mamaya na ‘yung sahod ko. May mabuting maidudulot rin naman pala ang pag-titiis ko sa halimaw na ‘to. Imagine, sa isang buwan may 50k kaagad ako! 

“Hindi mo man lang  babatiin ng 'Good morning Cameron Gwapo’ ang iyong amo?" Nakangisi nyang tanong sa’kin.. "Teka... Nakalimutan kong may gusto ka nga pala sa’kin!” Pang-aasar pa nya.  

Kaunti na lang talaga masasapak ko na 'tong hudas na ‘to eh! 

“Wala nang mas papanget pa sa umaga ko kung bubungad sa’kin ‘yang pag-mumukha mo! Leche! Layas!” Pag-tataboy ko sa kanya. Baka mamaya mapag-kamalan na naman kaming mag-jowa.  

 

"Ehem. The last time I checked, mag-kakaaway tayo. What's happening now? Bakit may mga lovebirds na ngayon?” Narinig naming sabi ng isang babae sa likod namin.  Mabilis ‘kong tinulak palayo ang hudas na ‘to sakin. 

Mabilis kong nilingon ang babaeng nag-salita. And there she is. I saw Kayley.  

“Agang-aga nag-P’PDA kayo! Kaloka!” Reklamo nya. Alam kong naaasar sya kasi alam naman nating lahat na hindi kami mag-kakasundo nila Cameron. Eh what can I do? Amo ko si Cameron. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nag-tatrabaho ako kay Cameron dahil isusumbong nya ako kay mama at alam kong magagalit sya.

 

"Hehe." Sagot ko na lang at nag-smile. ‘Yung awkward smile. Napansin ko ring papalapit sa direksyon namin ang barkada ni Cameron. Kung makakapal ang mukha ng mga mokong na ‘to, wala nang mas kakapal pa sa mukha ni Cameron.

“Yow, man. By the way, Yung prom, next week. What are your plans?" Tanong ni Andre nang makalapit sya kay Cameron.

(About the prom, kung hindi nyo matandaan, please do read the chapter 3)

Ay! ‘Yung prom next week. Tamang-tama, mag-kakapera na ako mamaya kaya makakabili na ako ng susuotin ko para sa prom. Ayaw ko talaga pumuntang prom kasi wala naman akong date o gagawin sa prom. Gusto ko sanang tumulong na lang kay Mama sa karenderya sa araw ng prom namin, pero napag-usapan na namin ni Kayley na kahit anong mang-yari, pupunta pa rin kami. Ayoko namang mag-tampo sila sakin. Knowing them… Parang ayaw nang mabuhay kapag hindi ako kasama. 

“Sinong date mo, tol?” Tanong ni Christian.

Mukhang hindi nila kami napansin ni Kayley. 

“Si Gomez.” Sagot ni Cameron nang nakangisi. Wait? Gomez? Lalo akong naasar nang akbayan na naman nya ako. 

Teen ClashWhere stories live. Discover now