WattBlog #1 - First

11 0 0
                                    

Date: 20160822

Hello! Hi! Wazzup!

Ito ang una kong blog sa Wattpad at alam ko namang wala kang pakialam. Pero kung totoong wala kang pakialam dapat hindi ka na nagbabasa sa puntong ito. Pero kung binabasa mo pa itong parteng ito, aba, baka nacucurious ka o naging interesado ka kasi nahulaan ko iniisip mo! Maaaring iniisip mo na "nye, corny." o di naman kaya "mema yung author" maaari ding "nonsense ng mga nakasulat" pwede ring "naiinis ako sa kababawan ng author." Kahit ano pa diyan ang iniisip mo, blog ko pa rin ito kaya wag mo kong i-bash, patayin sa isip mo, o i-report.

Ginawa ko pala tong blog na 'to para may mapag-share-an ng iniisip ko. Minsan kasi wala ako mapagsabihan eh. Alam mo ba yung feeling na tinatamad kang magsalita? Kaya ito, dito na lang ako magsasabi. Hindi rin kasi ako magaling mag explain pero sinusubukan kong ipaintindi yung side ko.

Bakit nga ba sa wattpad ako gumawa ng blog?

Di kasi ako marunong gumamit ng Java, HTML, c++, etc. Ewan ko kung may connect sila sa blogging pero kasi sa design-design related sila. So ayun, di ako marunong magdesign ng blog.

Wala namang espesyal dito, pero salamat dahil binabasa mo ito, at least nadadagdagan yung reads.

It's 1:43 a.m pero ito pa ginagawa ko instead na natutulog na ko dahil maaga ang pasok bukas.

Wala nang pumapasok sa isip ko ngayon kundi ang mga salitang isinusulat ko dito.

Bakit ba ko umabot ng ganitong oras? Kasi naglaba ako, eh maraming distraction kaya inabot ako ng hanggang ganitong oras.

Ang hirap din magmonologue.

Boring.

Kahit ako nabobore sa mga sinasabi ko kaya wag mo na sabihin pa sa comment.

osigena.

Alam kong napakawalang kwenta ng blog na 'to. Pero kung umaabot ka sa salitang ito. As in ITO, salamat na rin. Kahit papano pinagtyagaan mo. Waste of time right? Kaya di mo na babasahin yung susunod na blog ko. Sad naman. pero bahala ka. Ikaw naman yan eh.

Yun lang. Byeeeeee.

WattBlogDove le storie prendono vita. Scoprilo ora