Chapter 32: Mean.

12.8K 227 71
                                    

Balik kami sa condo.

Dala ko na naman ang mga gamit ko.

Kahit may lagnat pa ako, binalewala ko ito.

Pero bago umalis kina Paul.

May sinabi sya sakin.

P: "Wag mong pangungunahan ang emosyon mo, ikaw rin ang kawawa. Isipin mo na kung kaya nya, kaya mo rin. Tama na yung ilang araw at oras na iniyakan mo sya, nailabas mo na ang sama ng loob mo. Ngayon simulan mong bumangon kahit mahirap, alam ko kakayanin mo yan."

Tumatak sa isip ko yun.

Alam ko na hindi magiging madali na magsama kami ulit sa iisang bubong pero dahil ito hinihiling nya sige.

Tama na yung iyak at pasakit.

Habang papunta kami dito.

Naramdaman ko na sya pa rin yung John na minahal ko.

Yun nga lang, John na may minahal na iba.

Caring pa rin sya, kaso di ko alam kung dahil lang yun sa may kailangan pa sya sakin.

Kahit ganon man.

Magiging matapang ako.

Tama si Paul.

Kung kaya nya, kaya ko din.

Ayoko maging misirable ang buhay ko dahil lang sa lalaking di nagtiwala na kaya namin ang sitwasyon.

Naibuhos ko na ang napakaraming luha, kaya tama na yon.

J: "May pagkain sa mesa, kumain ka na."

"Papahinga na lang ako."

J: "Nasabi ni Paul na may sakit ka daw."

"Nakainom na ako ng gamot, kaya di mo na kailangang mag-aligaga jan. Kaya ko ring alagaan ang sarili ko."

J: "Inayos ko na yung kwarto natin, sa sofa na lang ako, sa kama ka."

"Okay"

J: "Start na nga pala tayo ng pag-gym mo 8 days from now. Busy lang ako sa ngayon."

Di ko sya pinansin.

Umakyat na ako.

At muling binalik ang mga gamit.

Hindi nya pa rin inaalis ang mga binigay nya sakin.

Basta walang nabago sa paligid.

Ay meron pala.

Yung excitement nung una ko tong kwartong to.

Nawala na bigla.

Okay lang.

Kaya ko naman to eh.

Maya-maya ay narinig ko na may kausap si John sa baba.

Di ko na pinakealaman.

Biglang tumawag si Trish.

T: "Hello Jam!"

"Ha?"

T: "Juskooooo!!! Si Chris, magpu-propose na yata!"

"Takte ka, baka nag-aassume ka lang. *sniif* *sniff*"

T: "Oh may sakit ka?"

"Okay lang ako."

T: "Anyway!!! Juskooooo! Sabi kasi ni Anne, nakita nya na nagtitingin si Chris ng singsing sa mall kanina!!!"

"OA mo naman, baka naman kasi maya-maya napadaan lang yung tao."

T: "Sissy. Ang nega mo! Wag kang mag-alala. Di naman namin tatalbugan ang love team nyo no!"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon