Chapter 29: Krissy

444K 9.4K 6.3K
                                    

Chapter 29: Krissy

Zandrick's POV


Habang nanonood ng game ni Zandy, kasama ko si Krissy. Sa una nga ayaw niyang manood kami nito kasi di daw siya talaga mahilig manood ng basketball, buti daw kung ako yung naglalaro hahaha!


Pero sabi ko kelangan kong manood ng laban ni Zandy kasi nakapromise na ako sa kanya. Buti pumayag naman si Krissy.


Pagpasok ko sa gym, nakita ko si Zandy na kausap si Kurt sa may bleachers. Tsk, malakas pakiramdam kong may gusto si Kurt sa bestfriend ko... di ko maintindihan yung feeling pero parang nagseselos ako na ewan...


Ayya! Baka naiinggit lang ako na kasama niya bestfriend ko at baka maagaw nya yung friendship na meron kami ni Zandy.


Haayy... imposible naman yun... di ako mapagpapalit ni Zandy dyan pssh!


Ayun, may bakante. Hinila ko kagad si Krissy dun sa pwestong iyon. Nung nilingon na ako ni Zandy, nagwave ako sa kanya at sinabing galingan niya at wag niya akong ipahiya hahahaha!


Alam ko namang di nya ako ipapahiya ehh. Kasabay kong natuto yang si Zandy at alam kong magaling talaga siya.


Sa height niya pa lang, lamang na siya sa ibang babae. Ang dami niya ring alam na moves dahil tuwing umaga pag walang pasok, nagppractice yan ng mga moves sa court nila sa bahay.


Ayun, pinasok na sya ng coach!


Aba tong bestfriend ko, ganadong ganado sa paglalaro ah... hahah INSPIRED!


Lamang sila...


Habang nagnonood ako, nakabasungot na si Krissy, di ko muna pinapansin kasi masyado akong natutuwa sa larong pinapakita ni Zandy. Kahit naglalaro na siya, ang graceful niya pa din, haggard tignan pero maganda pa din.


Ang swerte ng magugustuhan niya. Lahat na kay Zandy na, wala ka nang hahanapin pang iba. Di ko nga alam kung ano pang kulang sa kanya ehh. Mabait, maganda, talented, matalino, mayaman at sobrang maaasahan.


Nung 4th quarter na, nilingon ko si Krissy, bored na talaga siya. Baka magalit to sakin tsk!


"Krissy, bored ka na?" tanong ko sakanya. 


"Obvious ba?" mataray niyang sabi sabay taas kilay. 


"Don't worry, matatapos na, 4th quarter na." sabi ko. 


"Ayoko na, aalis na ako dito!" galit niyang sabi at tumayo na siya pero hinawakan ko naman siya kagad para pigilan. "Aalis na lang ako dito." pagpapatuloy niya. 


Pinasok ulit ng coach si Zand, tinignan ko sya at tumingin ulit kay Krissy na parang naghihintay ng sagot ko. 


"Sige, tara na..." pagpayag ko. 


Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon