Chapter 9: Puppy love

579K 11.8K 1.9K
                                    

Chapter 9: Puppy love

Zandra's POV


Haayy... ang bilis ng oras, grade 6 na kami and graduating na. 

Ganon pa din kami ni Zandy, bestfriends forever pa din!

And guess what, classmates kami ngayon weeee!

Kasi may panira, classmate pa din namin si Krissy. 

Naman ehh... wala nang bukang bibig si Zandy kundi yang Krissy na yan, nagseselos na ako...

Ano daw? Ako? SELOS? Di noh psh!

Fine fine oo na, inggit na ko. 

Wala naman kasing bukang bibig si Zandy kapag nagkukwento siya. Rinding rindi na ko eh try nyo kaya puro Krissy marinig niyo tapos puro Krissy mabasa nyo dito.

KRISSY

KRISSY

KRISSY

KRISSY

KRISSY

Ano, di ba nakakainis? Tsk.

Gusto niyo sample ng mga kwento nya? 

Sige ito. 

First: 

"ZANDY!!!!!" sigaw niya.

"Oh, ano na naman??" kunwari lang nagtataray ako haha.

"Ito naman, sungit kagad!" he pouted, "Hahahaha! May kwento lang ako noh."

Binitawan ko yung ginagawa ko para makinig sa kanya, "Sige na nga, ano ba yun?"

"Ang ganda ni Krissy noh? Hahahaha nakita ko sya kanina sa corridor eh waaa ang ganda!"

Ayan na naman ehhh...

"Oo na maganda na!" kaasar.

Second:

Sobrang saya ko kasi may game kami sa school kaya dapat lang iinvite ko si Zandy.

"Zandy! Invite kita"

"O, san naman yan?"

"Nood ka tournament namin sa volleyball, home court natin eh hahaha mamayang 5 pm after class, puuuhhhlease?" puppy eyes, haha! Sana effective.

"Tss yang mukhang yan wag mo nga ipakita!" sabay kurot sa pisngi ko.

"Waaaa aray naman eh!!!" napahawak ako sa pisngi ko, "Lawlaw na mukha ko sayo." 

"Ang cuuute mo kase!!!" pero pinisil pa din niya.

Ayieee cute daw ako!

"Ay ay teka," napatigil siya, "Do meaning, maglalaro din si Krissy?"

Ano ba yan okay na eh, KRISSY na naman!


"Oo nandun sya, psshh bawal ka dun!" I changed my mind. 

"Ehhh!!! Pupunta ko noohhh para support kita." he smiled.

"Whatever,... si Krissy lang naman susupport mo eh." I whispered.

"Ano?"


"WALA! Bahala ka dyan che!" 

 **

Yan ang drama namin lage! Krissy, lintek! Psh!


*house ng aking pinsan*

"O, shobe (little sis)," tawag ni achi Cat sakin, "Bat mukha kang badtrip dyan?"

I sighed, "Achi Cat naman kasi ehh si Zandy ehh."

"Ha? O ano na naman pinag-awayan nyo ng bestfriend mo?"

"Wala naman. Nagtatampo lang ako sakanya eh..."

"Bakit naman?"

"Kasii..." napasabunot ako sa sarili ko, "Ehhh naman ehh!!" 

"Aish naman sabihin mo na!"

"Secret lang ah... pero nagseselos kasi ako kay Krissy eh..." 

"O sino naman yang Krissy na yan?" tanong ni achi. 

"Yung crush ni Zandy..." napayuko na lang ako.

"HOLO!!!" achi gasped, "Ang pinsan ko! Wahahahaha!!! Dalaga ka na shob! HOHOHOHO!!!"

"Pshh... bat naman?"

"Ganto, ano nafifeel mo pag si Krissy na yan yung topic nyo ni Zandrick?"

"Naiinis kasi naman eh, wala na bang ibang topic? Err..." pag-amin ko.

"Hmmm... parang gusto mo ba, pag kayo lang magkasama, gusto mo dapat kayo lang topic?" she asked again. 

"Syempre naman!" I exclaimed, "Miss ko na yung dati eh. Haaayyy..."

"HOLO!!!!" she gasped again, "PumaPUPPY LOVE ka na shobe!"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni achi, "E-eh? Anong puppy love?" 

"INLOVE! Ano ba naman yan maghahigh school ka na ehh! Aminin mo nga, di lang bestfriend tingin mo kay Zandrick noh?"

"Uhhmmm..." nafeel ko na lang yung pag-init ng mukha ko.

"Ayiieee blush ka dyan!" she teased, "Hahaha crush mo noohh?"

"H-ha??" napaiwas ako ng tingin, "Kasi naman ehh secret lang ahh..."

"Naman! Hahaha ayiiee ikaw ah! Di bale, malay mo crush ka din nun! Hahaha ayiiee puppy love nga naman haaayyy..."

"Ano? Ako crush nun? A-S-A! Mukha nang Krissy bibig nun eh hmp!" totoo naman eh...

"Asus! Jeally sya..." and she poked me. 


Ano ba yan... ano ba yung Puppy Love??

Teka... ano daw?

LOVE??

Di ko alam.... baka nga...

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon