Chapter 6: First Crush

655K 14K 4.2K
                                    

Chapter 6: First Crush

Zandra's POV


Haayy... ayan sabay kami ni Zandy sa lahat. Nag-aral kami ng taekwando sabay para naman mapagtanggol na namin ang sarili namin sabi nila daddy.

Sabay din kami nag-aral ng iba pang sports and instruments para naman daw may talent kami. Ako naman, sa lahat ng instrument na master ko is ang piano.

At si Zandy naman, guitar ang pinakamaster niya. Ang galing na nya magplay eh hahaha tapos gumagaling na sya sa basketball.

Si Tito Pat ang nagtuturo sa kanya at syempre ako, nakikisali din. Hmp di ko matalo si Zandy dito haha!

Kaso sa school, lagi pa ding binubully si Zandy pero kahit na magaling na siya sa self-defense, di pa din siya gumaganti. Ang bait talaga ng bestfriend ko pero syempre pinapagtanggol ko pa din siya kasi di ko matiis eh..

At dahil bestfriends kami, walang secret ang di namin alam sa isa't-isa. Pati secrets sa katawan alam namin kasi nung bata kami, sabay kami naliligo wahahahaha!!

Ngayon, grade 5 na kami weeee!!! At ako pa din ang top 1 sa batch si Zandy naman ang top 2! Galing!


*sa kwarto ko*

"Ano ba yan Zandy," napailing na lang ako, "Dito ka na naman sa kwarto ko nakatambay!"

"Ehh wala magawa sa bahay ehh." sabay higa sa kama ko.

"Sige na nga dyan ka lang, basa lang ako dito." at nagbasa na lang ako.

"Ano ba yan?" tanong niya.

"Basta basta sa wattpad to, yung title UNLUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND." sagot ko. Ganda kaya ng story na 'to.

"Hahaha!" natawa na lang siya, "Ang hilig mo talaga sa mga ganyan."

I rolled my eyes, "Walang basagan ng trip!"

"Sige na nga... pero ang totoo nyan, may kwento sana ako sayo eh kaya ako nandito..."

"O, ano ba kasi yun, spill!"

"Uhmm kasi, may crush ako..." paglingon ko nakita ko siyang nagbblush.


Hala, may crush na ang bestfriend ko bakit parang nalungkot ata ako dun? Pero syempre kelangan ipakita ko na happy ako kahit medyo hindi haaayyy...


"Wow ah! Hahaha ikaw may crush?" I tried to tease him.

"Ang sama naman neto ehh wag na nga..." he crossed his arms.

"Ito naman tampo kagad dali na kwento naa..!!" lumapit naman ako sa kanya, "Sino ba yan?"'

"Uhm..." sus naghesitate pa,  "Yung classmate natin and kateam mo sa volleyball, si Krissy..."


Sino daw?!


"Ha? As in Krissy So?" napalakas ata yung pagtanong ko.

"Oo siya nga! Ang ganda nya ehh galing pa magvolleyball." puri niya dun kay Krissy.


Hmp! Mas maganda and mas magaling ako dun noh!


"Ahhh nakooo..." sabi ko na lang, "Eh ano naman balak mo?"

"Ha? Uhmm wala naman hahahahahaha! Crush ko lang yun nooh." nagblush na naman siya.

"Ano ba yan makapagblush naman to, ambading Zandy! Hahaha." nakakatawa talaga siya magblush. Minsan lang kasi magblush tong si bestfriend ah...

"Hoy! Di ako bading noh! Kapal nito!" depensa niya.

"Joke lang 'to naman." bawi ko naman pero nakakatawa talaga.


 Haaayyyy... bakit ganon, si bestfriend, first crush nya si Krissy... ako, di ko kayang sabihin sakanya kung sino crush ko kasi...


SIYA ang first crush ko.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 You can follow me on twitter: @stupidly_inlove :) 

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon