Chapter 10: Patingin-tingin na lang... hay...

544K 12.7K 2.3K
                                    

Chapter 10: Patingin-tingin na lang... hay... 

Zandra's POV


Andito kami ngayon sa classroom.

Katabi ko... sino pa ba, edi ang aking magaling na BESTFRIEND!

Dito kami nakapwensto sa may 2nd to the last row.

Pansin ko dito, kanina pa to nagdedaydream.

Nako naman, ano na naman kaya iniisip nitong lalaking to?


"Pst huy!" tawag ko sa kanya.


Aba aba, ayaw akong pansinin ahh. Hmmm mabatukan nga!


"Aray naman Zandy!" react niya nang mabatukan ko siya sabay hawak sa ulo niya.

"Lumilipad utak mo. Tsk."

"Di nooh! May tinitignan lang... haaayyy..." he sighed.


Tsss, ano na naman yang tinitignan niya?

Napatingin naman ako sa harap na bandang side kung san nakatingin tong mokong na to...

Gggrrrrrrrrrrr

 Sabi na eh! Hindi ano ang iniisip nito kundi SINO!

 Sino pa ba,


Edi ang magaling KUNOng si Krissy! Pssh!

Naaawa ako dito patingin-tingin, pasilip-silip lang sya kay Krissy... 

Di naman niya malapitan, siguro dahil takot na tong mapahiya ulit.

Kawawa naman siya... haaayyy...

Pero ako din naman, pasilip-silip lang din kay Zandy tuwing may pagkakataon dahil kapag nahuli niya akong nakatingin sa kanya, aasarin lang niya ako at baka malaman pang may gusto ako sa kanya...

Pero wala naman akong magawa eh.

Gusto niya talaga si Krissy...

Kelan kaya na ako naman yung titignan ni Zandy?

Please naman, ako na lang please please please???

Ito ko ngayon, patingin-tingin lang kay Zandy habang siya naman, iba ang tinitignan...

Pero at least, lagi lang ako nandito sa tabi nya and ganon din siya.

Ang hirap naman maging bestfriend to oh! sooo Unlucky...


*School bell rings*

 Oh yes! Lunch na wohooo!!!

"Hoy Zandy!" kalabit ko sa kanya, "Tigil na sa tingin na yan! Kain na tayo!!"

"Oo na ayan na!!!" humirit pa siya ng isang tingin kay Krissy bago tumayo, "Tara na sa cafeteria."

"Wait wait kunin ko lang libro ko ahh..." agad ko namang hinanap yung libro ko.


 Hmmmm magbabasa muna ko ng novel habang kumakain.


"Tara na!" aya ko nang makuha ko na.


Agad ko namang hinila si Zandy para makaalis na.


 "Grabe.. di nakakasawa tignan si Krissy noohh..." 


Krissy na naman....  " Hahahaha di kaba nagsaw----- OUCH!"


Biglang may bumangga sakin kaya napaupo ako at nabitawan yung libro ko.


"Ay miss sorry nagmamadali lang ako..." sabi nitong someone na ito. Hindi ko siya kilala eh.


Tinulungan niya naman akong tumayo at iniabot ang libro ko.


"Ui Zandy, okay ka lang ba?" tanong ni Zandy nang makatayo ako.

"Ah oo okay lang," sagot ko kay Zandy saka humarap sa nakabangga ko, "Sorry din ah nagbabasa kasi ako habang naglalakad."

"Ahh ok lang sorry din.." at saka siya ngumiti sakin, "Ah sige ah."

"Sige..." I smiled as well.


Teka. Parang kilala ko yun. Pero hindi yun eh, ang gwapo niya!

 Ayyy Zandra, lumalandi? Hahahahahaha!


"HOY!" he snapped, "Nastar struck ka na dyan!"

"H-hoy! Di nooh!" e bat di ako nauutal? 


Pero kahit na, mas iba pa din pagkastar struck ko sayo! Wohohoho! 


"Suus, natamaan ka lang ng heartthrob ng batch eh hmp!" he rolled his eyes, "Dyan ka na nga gutom na ko!" 


Hala hala iwan ba daw ako.


"Hoy Zandy!! Waaaaaaaaaiiiiiiittttt!" at saka ako tumakbo papunta sa kanya.

 *

Hindi matanggal sa isip ko yung nakabangga ko kanina, 

Heartthrob daw, bat parang di ko kilala yun?

 --------end of Zandra's POV 


Someone's POV

Grabe... natamaan ko sya...

Sana di siya masyadong nasaktan...

Pero nakakatuwa, at least nakausap ko na siya...


si Zandra...

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon