CHAPTER 14 Perfect look

19 3 0
                                    

Author's Note: At last here it is. Hindi ako mahilig maglagay ng note pero medyo matagal din since nag-update ako. To all readers, keep the spirit! At sana hindi kayo magsawa. Love you all!


Ting! Ting! Ting!

Ngayon na ang simula nang World Match. Nagkalat sa buong lugar ang mga mutant ng ibat' ibang mundo. Nasa kanya-kanyang kasuotan na halos kita na kahit kaluluwa. Kailangan ba talagang ganun? Habang nililibot ko ang aking tingin, napansin kong may mga tatoo nga ang bawat mutant sa bawat parte ng kanilang katawan, simbolo nang kung saang mutant world sila nabibilang. Tumingin ako sa aking dibdib, nandoon ang simbolo ng aming mundo, ang gemini - simbolong kumakatawan sa pagiging patas ng fairmont pagdating sa mga bagay-bagay.

"Enjoying the fun darling?" nagulat ako sa babaeng biglaan lang sumulpot sa aking harapan. Nakita ko na siya dati, isa siya sa -- "By the way, I am victoria, ang Reyna ng Friza. Bakit ka nag-iisa darling?" sabi ko na nga nakita ko na siya.

"Uhm. Nagparegister lang sila Rayco? Yung iba, bumili ng food, yung iba nagbihis, ako lang ang nagpaiwan." nahihiyang sabi ko.

"Ganun?" eksaharada siya magsalita. Para siyang si Carly kung magsalita. Parang bakla na nakulong sa katawan ng isang babae. "Kawawa ka naman." sabi niya na sinundan ng taas babang tingin niya sa akin.

"Queen Victoria, may mali po ba sa damit ko?"

"Hmm. Wala naman. Walang mali pero, may hindi tama ..." nakasuot kasi akong simpleng shirt na may spongebob print paired with tights, boots as foot wear at leather jacket. Oo inaamin ko na, ako na ang baduy. "Darling, naisip ko lang, hindi ka ba tinuruan ng Mama mo kung paano siya magdamit tuwing World match?" umiling ako at napabuntong hininga siya.

"Po?" tanging nasabi ko nalang dahil para wala naman akong isasagot. Walang ano-ano'y hinila ako ng magandang babaeng ito sa kung saan. "Mahal na reyna, baka hinahanap na ako ni Justine baka --" kahit anong sabihin ko parang wala lang din siyang naririnig.

Matagal kaming naglakad hanggang makarating kami sa pinakamagarang bahay na pwede kong makita dito sa lugar ng Amores. Kasing laki ito ng palasyo at maraming alalay ang nakaabang sa pagdating ng isang mahalagang panauhin.

"Magandang umaga mahal na Reyna Victoria at sa iyo mahal na binibini " bati pa nila na sinagot ko lang ng tango dahil hinihila parin ako ng mahal na reyna.

Pumasok kami sa isang silid kung saan bawat sulok ay salamin ang laman.

"Victoria, anong kaguluhan ito, pinalabas mo daw ang lahat ng damit sa --" isang napakataas at matipunong lalake ang sa pintuan ay pumasok kasunod namin. Para siyang si Ian Veneracion. Eduardo. Amp. "Cassidy? Victoria, bakit nandito si Cassidy, araw na ng kompetisyon!"

Naalala ko na, isang hari ang isang to, nakita ko na siya nung huling beses na dumalaw siya sa Fairmont. Siya ang hari na si Spack, ang seryosong mama noong huli.

"Spack, will you please calm down? Hindi magsisimula ang world match nang wala ako. I am the only rose among the thorns. Ang kakapal naman ng mukha nila kung gagawin nila iyon diba?"

"Victoria, alam mong ayaw na ayaw ni Jakken ang late, lalo na si Rufus, gayung anak-anakan pa niya ang kinaladkad mo sa iyong kalokohan."

"Shh. Pwede ba, tumahimik ka, gagawa ako ng isang himala. Si Felice ay muling magbabalik sa katauhan ng kanyang anak."

"Bahala ka, mauna na ako, di tulad mo, ayaw kong makita ang galit na mukha Jakken mamaya."

"Whatever. Mauna ka na at susunod na lang kami." kumuha ng ilang damit sa closet si Reyna Victoria, humarap sakin at ngumiti ng nakakaloko. "Darling from now on, call me Auntie Tori."

NO HUMAN: The Dawn of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon