Prologue

159 9 0
                                    

9 months.

Ganoon katagal. Para buuin ang kumplikadong sistema ng ating katawan. Mula sa mabusising pagsama-sama ng organs, dugong dumadaloy, hanging naglalabas pasok, at pusong tumitibok, nabuhay sa daigdig ang pinaka magandang nilikha ng diyos.

Isisilang ka. Hahawakan at hahagkan ng maiinit na halik ng iyong ama't ina. Aalagaan ka nila hanggang sa lumaki.

Pero hanggang kailan?

Kung naninirahan tayo sa mundong walang tigil na nagbabago, maari rin kaya magbago ang mga bagay na parang dati lang siyang nagbibigay buhay satin? Hanggang kailan, kinakailangan ang ama't ina para mabuo ang isang sanggol, hanggang kailan kakailanganin ang hangin para huminga, at hanggang kailan, kakailanganin ang puso para tumibok.

Tibok.

Tibok.

Tibok.

Pero hanggang kailan.

Hanggang kailan tayo mabubuhay sa karaniwang paraan?



----------------------------------------------------------

No Human (the Dawn of Mutants)

----------------------------------------------------------

Year 2976

"Oswald! Sigurado ka ba sa gagawin natin? I mean, hindi natin tiyak ang experiment. Paano kung hindi --"

"Emerald. Magtiwala ka lang okay? Mabubuhay ang anak mo. Ayaw mo ba nun, hindi na siya magiging sakitin."

"Subalit Oswald, 8 weeks old lang siya, mahina ang puso, baka hindi niya kayanin."

"Alam mo, pwede ba, huwag ka nang maingay diyan. Sinisira mo ang concentration ko. Makinig ka, kinaya nga ng kuya niya diba? Look at Levi, he grew up like a normal kid. Hindi siya sakitin, matalino siya at malakas."

"Pero Oswald --" umiiyak.

"Tumigil ka! Kung hindi mo kayang panoorin. Pwes lumabas ka. Layas!"

Pinalabas at nilock ang pinto.

"Oswald, please. huwag nalang natin ituloy. Natatakot ako. Oswald, please open the door, give me my son. Ibigay mo sakin si Raz. Maawa ka *sob* Oswald. Please!"Umiiyak ng malakas ang bata.

"Oswald? Oswald? No! Tigilan mo ang ginagawa mo sa kanya Oswald. Nasasaktan siya. Oswald!" Nagdadabog na si Emerald dahil walang magawa.

"Raz, someday, you will be Daddy's Legacy, my legacy. You will be above any human could be. I love you son" umiyak pa lalo ang bata, habang niyayakap ni Oswald.

Habang nasa pagkakayakap niya, tumahimik na ito kaya napangiti siya. Subalit, nanlamig siya ng mapansing hindi na humihinga ang bata. Maputla ito.

"Raz? Wake up Raz. Umiyak ka Raz! Wake up for Daddy..." Nabuksan ang pinto.

"Oswald? Anong nangyayare? Anong ginawa mo sa anak ko? Ahhh!!!!! *sob* Raz? Raz? Andito na ang Mommy, please baby, wake up? Wake up for me please!? Ahhhh!!!!! Anak ko! *sob*"



NO HUMAN: The Dawn of MutantsWhere stories live. Discover now