CHAPTER 17 Changes

27 1 0
                                    


KANE POV

Nang hapong din yun, lumabas na kami ni Kuya Roger mula sa opisina ng presidente. Iniwan muna namin ang matatandang ex-president na ginamot namin bago umalis. Sa loob ng limang henerasyon ng Presidente, walang kaalam-alam ang mga tao sa kung sino ang totoong namumuno sa kanila. Isang Mutant. Isang mutant ang nasa likod ng nang kaguluhang ito. Siya rin kaya ang may kakagawan sa pagkamatay nila Mama at Papa? Para saan ang mga machines sa loob ng gusaling iyon? Bakit habang tumatagal, parang ang lumalabas, kaming mga tao ang nagiging masama. Wala kaming kaalam-alam na ang taong pinagsisilbihan namin ay isang napakasamang nilalang.

Habang naglalakbay pauwi, napansin ko ang isang lawin na nakasunod sa amin. Nakakatuwa. Lumilipad siya at pilit na sumasabay sa amin. Inilahad ko ang aking mga kamay. Nagulat ako ng siya ay dumapo. "Mukhang mahilig ka sa hayop Kane?" napalingon ako kay Kuya Roger na nagsalita.

"Sa totoo nga po, hindi eh. Hindi ako yung mahilig sa hayop." Mula sa aking alaala, naalala ko muli ang taong malapit sa akin. "Si Cassidy. Siya yung mahilig sa ganitong mga bagay. Sa tingin ko nga nabuhay siya para sa kalikasan. Nature lover kasi yun."

Nakita kong ngumiti si Kuya at biglang --

"Kuyaaaaa!!! Mababangga tayo!!!" Biglang nagpreno si Kuya sanhi ng biglaang pagtawid sa daan ng isang babae. Agaran akong bumaba para tignan ang lagay niya. Maraming siya pasa, sugat at galos.

"Kane huwag." sa kabila ng pagpigil ni Kuya, tumuloy parin ako. Nilapitan ko ang babae at bumilis ang pintig ng puso ko sa saya na makita siyang muli. "Kane, sinabi na diba --"

"Kane? Ikaw ba yan Kane?" Hindi ako makagalaw ng makita ko ang babaeng kamuntikan na naming mabangga. 

"Aling Fe-Felice?" naluluha kami pareho. Kung andito si Aling Felice maaring andito rin sa paligid si Cassidy. Pero bakit, bakit marami siyang pasa? Anong nangyayare? "Aling Felice, nasaan si Cassidy? Kasama niyo po ba siya? Nasaan po siya?" habang nakikipag-usap sa kanya napapansin ko patuloy na paglipad ng ibong kani-kanila lang ay dumapo sakin. Para bang pinagmamasdan niya kami.

"Kane, nagkahiwalay kami ni Cassidy. Hindi ko siya kasama, mahabang kuwento." hysterical si Aling Felice dahil sa matinding emosyon na nadarama. Ganoon narin ako at si Kuya Roger naiyak narin.

"Hanapin niyo ang babae! Hindi pa siya nakakalayo dito! Bilis!" isang boses ang aming narinig mula sa masukal na gubat na aming kinalalagyan.

"Kane?" tawag sakin ni Kuya.

"Aling Felice, tara na po. Itatakas namin kayo. Tara na po."

"No, Kane. Iwanan niyo na ako dito. Mapapahamak lang kayo ni Roger kung isasama niyo pa ako."

"Pero Aling Felice--"

"Mangako ka nalang. Aalagaan mo ang kapatid mo. Tigilan niyo na ang paghalungkat ng mga sikreto. Magpakalayo-layo na kayo. Hindi ligtas dito." sabi niya habang mahinang tinutulak ako papasok ng kotse. "Roger, please. Ilayo mo dito si Kane. Kane, kung sakali mang magkita kayo ni Cassidy. Paki sabing mahal na mahal ko siya."

"Nadedetect ko ang body heat niya sa bandang dun." sabi ng paparating na boses sa direksyon namin.

"Nandito na sila. Roger i-activate mo ang invisible mode. Umalis na kayo bilis!"

Habang nagmamaneho, nag-iiyakan kami ni Kuya. At mula narin sa loob ng Super Auto Jet nakikita ko ang nangyayare kay Aling Felice. Nakikita ko kung paano siya sinasaktan ng mga Guardians. Yung iba sa kanila, mga dating kasamahan ko pa.

"Pangako ko sayo, Aling Felice. Ililigtas ka namin. Hahanapin ko kahit saang dimensyon man si Cassidy."

------------------------------------

NO HUMAN: The Dawn of MutantsWhere stories live. Discover now