Chapter 9

8.6K 152 2
                                    

Chapter 9

Nasa opisina na ngayon si Third. Katatapos lang ng board meeting nila. Ngayon lang siya opisyal na naitalaga bilang CEO ng kanilang kumpanya. Dahil sa nasa Laguna siya ng isang linggo ay lahat ng trabaho at transactions niya ay thru email lahat. The meeting turns out great at maayos naman ang pakitungo sa kanya ng mga board members.

Tinignan niya ang pambisig na relo, lagpas lunch na. Namimiss na rin niya si Carl, at ganun din naman si Carmela. Sa loob lang ng isang linggo naging parte ang mga ito ng buhay niya ay nasanay na siya, paano nga kaya kung tunay na silang pamilya? Wala sa sariling napapangiti siya.

Palabas na sana siya para maglunch ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay parang gusto niya ng kutusan ang sarili.

Shit! Shit! Shit! Bakit ba nakalimutan niya ang isang napaka-importanteng bagay? The past few days he was happy na kasama sila Carmela. Na Ang tanging importante at priority niya ngayon ay ang makasama ang mga ito. So happy na nakalimutan niya na mayroon na nga pala siyang ibang nobya.

What kind of sick person is he? Alliyah doesn't deserve all this.

Sinagot niya ang tawag.

“Alliyah...”

“Hey..” sagot ng nasa kabilang linya. “I've been trying to call you for a week now. Where have you been?” tanong nito. She doesn't sound accusing which he felt even more guilty. Sanay na ito na hindi siya nito nakakausap ng ilang linggo lalo na kapag nasa ibang bansa siya at nagta-trabaho kahit noong nasa dubai pa sila.

“I've been busy,” nasabi lang niya.

“Oh..”

“Look, where are you now?” tanong niya rito.

“Dito lang sa bahay namin.” sagot nito.

“I'm about to go out for lunch, can we meet? I have something important to say to you.” sabi niya rito.

“Okay, where do you want us to meet?”

“The Restaurant in front of the company building, is that okay with you? Hindi pa ko kumakain eh,”

“Sure.” sagot nito at nawala na sa kabilang linya. Dati rin empleyado sa building na iyon si Alliyah bago ito napromote at ipinadala sa Dubai para sa HR department nila roon.

Hindi na ngayon mapakali si Third. Nakakailang balik na siya sa loob ng kaniyang opisina. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Alliyah ang tungkol kay Carl. He had been very unfair to her. Sumuko na rin siya pag-iisip at bumaba na sa Restaurant sa tapat ng building nila.

Ilang minuto pa lang siyang naroon ay dumating na si Alliyah.

“Hey.” bati nito at humalik sa pisngi niya. Ipinaghila niya naman ito ng upuan. “Thank you.” nakangiting sabi nito. She look so beautiful. A beauty that once captured his attention, but somehow he felt different this time.

Maybe because she's not Carmela. Bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo para paalisin ang nasa isip. Hindi man siya pisikal na nagtataksil kay Alliyah, he felt like he already did, the moment na inamin niya sa sarili na si Carmela pa rin ang may malaking puwang sa kanyang puso.

“So what is this important thing you wanted to say to me?” nakangiting sabi nito.

“uhmm... 'wag ka sanang magagalit but just a week ago, I found out that I have a son.” hindi kaagad ito nakapagsalita. Hinintay niya na mag-sink dito ang mga sinabi niya.

“Wh-What? H-how did this happen?” naguguluhan na tanong nito. She's nearly in tears.

“It was a long time ago. He's ten years old now. I just met him. I was with him this past week.”

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now