Chapter 5

8.3K 185 5
                                    

Chapter 5

“Why didn't anybody tell me na may anak si Carmela?!” hindi na nag-abala pa si Third na batiin si Atty. San Miguel. Hindi man lang nagulat ito sa outburst niyang iyon. Hinarap siya nito ng kalmado.

“Nakapag-usap na ba kayo ni Carmela?”

“That's the thing! Wala na siya sa bahay nila pagpunta ko dun! Nakausap ko lang ang kapitbahay nila na umalis ito kasama ang anak nito! Anak! She has a kid! But no husband! Paanong hindi ko ito alam. Bakit una pa lang hindi mo na sinabi sa'kin?! Si Daddy? Imposibleng hindi niya alam iyon.” frustrated na sabi niya rito.

“It's not for me to tell Third.” kalmado pa ring sabi nito. Nanghihinang napaupo si Third sa bakanteng upuan na naroon sa study room nito.

“Then could you tell me, where I could find her?” kahit papaano ay naikalma niya na ang sarili.

“I have no idea. Wala rin akong cellphone number niya. I only reach her in her office. Doon lang kami nagkakausap. Although, when your father was still alive, we get invited whenever the boy celebrates his birthday.” sa sinabi nitong iyon ay nag-angat ng tingin si Third dito.

“Tell me, honestly Atty. How old is the boy?”

“I specifically remember that he was nine in his birthday last year.” iyon lang ang sinabi nito ay lumabas na si Third sa bahay nito at sumakay sa kanyang kotse at Pinaharurot niya ito palayo sa lugar na iyon.

He just confirmed his assumptions. If the Atty was in fact telling the truth. Chances are ay may anak siya kay Carmela. Where are you Carmela? She left him no choice. Pagdating sa Mansyon ay dumiretso siya sa Library. Hinanap niya ang business card ng kakilalang private investigator sa isa sa mga drawers doon. Nang makita ang hinahanap ay inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang numero na nasa tarheta. Ilang ring muna ang lumipas ng may sumagot sa kabilang linya.

Sinabi niya rito ang buong pangalan ni Carmela at ang ibang mga impormasyon na alam niya rito na makakatulong upang mahanap nito kung nasaang lupalop ngayon ng pilipinas si Carmela. Nang matapos ang tawag ay tsaka lang niya napansin ang mga nakaframe na mga litrato na nasa desk ng ama. Isa sa mga picture ay litrato nila ng kanyang Daddy na kuha noong bata pa siya.

Kinuha niya ang larawan at tinignan iyon. Bigla niyang namiss ang kanyang ama. Gusto niya ngayong pagsisihan kung bakit hindi niya nakasama pa ang ama sa mga huling sandali ng buhay nito.

Kasalanan lahat iyon ni Carmela. Kung hindi dahil sa pangloloko nito sa kanya ay hindi sana siya aalis ng Pilipinas.

Napakunot ang noo niya nang hindi niya maalala ang kuhang iyon. Tinignan niya ang ibang mga litrato, mayroon rin siyang kuha na kasama ang... Tita Leonora niya? Base sa itsura ng Madrasta sa huli nilang pag-uusap ay ganoon rin ang itsura at ayos ng buhok nito sa larawan. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa picture frame. Could it be? Na hindi siya ang bata sa litrato kundi ang anak niya kay Carmela?

All along ay alam ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Carmela at ang pagkakaroon nila ng anak? Imposibleng hindi nito mapansin ang resemblance nila ng bata. Kahit siya ay inakala niyang sarili niyang litrato ang naroon. Bakit? He felt betrayed. How could his father kept a secret as large and massive as this? He has a son for heaven's sake! And he doesn't even know anything about it! Ngayon ay mas determinado at desperado siyang makita at makausap si Carmela. How could she? Pinagkait nito sa kanya ang sarili niyang anak. His own flesh and blood.

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now