Chapter 6

8.1K 171 4
                                    

Chapter 6

BUMABA ng kusina si Carmela nang masiguro niyang okay na ang pakiramdam niya at kaya niya ng harapin ang mga bisita at ang mga tao sa buhay niya. Umiinom siya ng tubig ng lapitan siya ni Carl.

“Mom, Ninang Karla's here. She's looking for you,” sabi nito.

“Okay, I'll come out in a minute.”

“You know, Mom, Ninang Karla seems upset when I introduce her to Dad.”

“You did what?!” dahil doon ay hinila niya na ang anak pabalik sa garden. Nakita niya na ang masamang tingin ni Karla kay Third. Alam niyang galit din si Karla kay Third dahil saksi ito sa mga pinagdaanan niya ng iwan siya nito. Nasa tabi naman nito ang kanyang ina at mukhang may sinasabi kay dito.

“Where's the Birthday Boy?” narinig niya ang boses ng kaibigang si Dylan.

“Tito Dylan!” tumakbo na papalapit dito si Carl. Nilapitan niya muna si Dylan. Mukhang napigilan naman ng kanyang ina ang outburst ni Karla kaya is Dylan na muna ang nilapitan niya. Mamaya niya kakausapin si Karla.

Ang gwapo ni Dylan sa suot nitong polo Shirt at simpleng jeans lang. Mataas na lalaki rin ito. But she knows better. Naging kaibigan niya ito nang bago pa lang siyang nagtra-trabaho sa Law Firm. Nagkagaanan na rin niya ito ng loob. Sa ilang taon pagiging magkaibigan nila, hindi iilang beses na nagpagkakamalan silang mag-nobyo. But they both know better. Dylan is gay. Hindi ito kasing loud ng ibang gay na nagbibihis na babae. Ang hilig nito ay mga sports na pang lalaki at ganun din ang pananamit nito. But he admits that he found men attractive. And that what makes him gay.

Nang tuluyan na siyang makalapit dito ay nakipagbeso-beso siya dito tulad ng lagi nilang batian. Pero laking gulat niya ng yakapin pa siya nito.

“Walang hiya ka bakla ka, anong ginagawa mo?” pabulong na tanong niya rito.

“Sumakay ka na lang masama tingin sa'kin ng ex lover mo.” pasimple rin bulong nito sa kanya. Nakatalikod siya kayla Third kaya hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito na masama ang tingin sa kanila ni Third.

“Hindi ko siya ex -lover.”

“Oh please. I think I know what a man and a woman do in order to conceive a child.” mahinang sabi nito.

“Where's my present?” tsaka pa lang ito humiwalay sa kanya at iniabot kay Carl ang hawak na regalo. Alam ni Dylan ang tungkol sa nakaraan niya. Ito at si Karla lang ang itinuturing niyang matatalik na kaibigan. Kampante rin siya rito kaya alam nito ang mga sekreto niya.

Alam niyang nagkakilala na ito at si Third. Tumawag ito kaagad sa kanya nang araw na pumunta si Third sa law firm.

THE party went on well. Hanggang sa unti-unti nang nag-uuwian ang mga bisita. Hindi naman magkamayaw si Carl sa pagpapakita sa kanila ng mga natanggap nitong mga regalo. Nasa kwarto sila nito at naroon rin si Third.

Kahit isang beses ay hindi nito na nilayuan si Carl. Nang sumapit na ang oras ng pagtulog nito ay inutusan niya si Third na ikuha muna si Carl ng gatas para makainom ito bago matulog. Sinamantala niya ang pagkakataon para makausap ang anak.

“Why didn't you tell me, you know something about your father?” umupo siya sa gilid ng kama nito.

“I'm sorry Mom, I didn't mean not to tell you, it's just that whenever I ask you about Dad, you seem so sad and doesn't want to talk about it. So, I asked Lolo and Lola instead, then they showed me Dad's pictures. I didn't tell you because I don't want you to be sad.”

Hindi na niya napigilan ang pagluha, “I'm sorry baby. It's all my fault.” umiiyak na niyakap siya nito.

“It's not your fault Mom. You're just sad because Dad has to work abroad and can't be with us all the time. But now he told me that he won't be leaving us anymore. That he'll be staying here for good.”

Love Misunderstood (Completed)Where stories live. Discover now