[9] Erased Memories

3.4K 129 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA IX

TULALA si Sapphire habang naglalakad papasok sa eskwelahan. Napakalayo na nang narating ng kanyang isipan. Kasabay niyang maglakad papasok si Spade na tahimik lang nakapamulsa habang sumusunod sa kanya. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kahapon lalong-lalo nang makitang nakasalampak ang binata sa sariling silid.

"S-siguradong ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya nang 'di nililingon ang kasama.

"Baka nakakalimutan mo na hindi ako normal na tao. Iba ako sa inyo, mas mabilis maghilom ang mga sugar ko kung ikukumpara sa inyo."

"Pero bakit hindi gano'n kabilis ang paghilom ng sugat mo kagabi?" nilingon niya ang kasama. Napansin niyang kumunot ang noo nito na kaagad namang lumihis ng tingin sa kanya. Ilang minuto niya itong pinagmasdan. Mabilis namang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa open field, kung papaano ito tumingin sa kanya at kung papaano siya nito tratuhin. Ang malamig nitong tingin sa kanya at mahihigpit na hawak.

"Ano bang gusto mong sabihin sa akin? Nag-aalala ka ba para sa kalagayan ko?" Tumikom ang kanyang bibig. Lumingon ito sa kanya ngunit iniwasan niya ito ng tingin.

Naramdaman niyang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Kumalat sa kanyang sistema ang 'di maipaliwanag na kaba. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag at mapakagat sa labi. Bakit nga ba siya nakakaramdam ng gano'n? Bakit pakiramdam niya'y may kailangan siyang sabihin dito? Bakit hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng nangyari noon sa field?

Ilang buwan na niya kasama si Spade. Ilang buwan na ang lumipas simula nang aksidente niyang matawag ito mula sa book of wishes. Ang libro na nagtataglay ng kapangyarihan. Libro kung saan nakasulat ang mga salitang binigkas niya para magkita silang dalawa ng demonyo. Inaamin niyang hindi pa rin mawala-wala ang takot niya sa tuwing nakakasama ito. Ngunit habang tumatagal, napapansin niyang hindi naman siya nito sinasaktan ng pisikal. Maaring tinatakot ngunit ibang-iba pa rin ito 'di tulad ng mga nababasa niyang demonyo sa libro.

"Tungkol sa nangyari..." mahinang sambit niya ngunit sapat na para marinig ito ng kasama. "Ginawa mo ba talaga 'yon para ipahiya ako sa harapan ni Cross?"

"Ikaw na ang bahalang umintindi niyan." Bakas ang katamaran sa tinig nito.

"Anong nangyari sa 'yo at bakit ka nasugatan?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman pa." Tumigil siya sa paglalakad na ikinatigil din ng binata sa paghakbang. Sinamaan niya ito ng tingin at nakipagsukatan ng pagtitig.

"Bakit ba ayaw mong sagutin ng maayos ang mga tinatanong ko sa 'yo? Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa akin ang totoo? Bakit ayaw mong sabihin ang nangyari sa 'yo at kung bakit mo ginawa ang bagay na 'yon sa harapan ni Cross!"

The Devil's Lover ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon