[8] Wounded

3.1K 112 14
                                    


(The devil's lover cover Manga style XD)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(The devil's lover cover Manga style XD)

KABANATA VIII

TUMIIM ang bagang ni Spade nang makita niyang ngumiti si Cross sa kanya. Ngayon alam na niya kung bakit hindi niya nagugustuhan ang presensya nito sa tuwing napapalapit ito sa dalaga. Cross. Isang nilalang na nagmula sa itaas, isang nilalang na kabaliktaran ng kanyang katangian. Sa lugar na dati'y kanyang pinamamalagian. Sa isang maliwanag na lugar na napapalibutan ng maaliwalas na kapaligiran. Sa langit.

"H'wag mo akong pakielaman sa binabalak kong gawin sa kanya, Cross." May halong pagbabantang saad niya. Ngumiti lang ang binata sa kanya. Mas lalo lang siyang naiinis sa nanyayari.

"Alam mong hindi maaring hayaan ng mga katulad ko ang masasamang balak ng mga tulad niyo sa mga tao. Nasa ilaim namin ng pangangalaga ang lahat. At walang sino man ang dapat naming pabayaan."

Ngumisi siya at ibinukas ang kanyang palad. Unti-unting nagbago ang lugar na kanilang kinaroroonan. Ang maliwanag na kalangitan ay unti-unting nagbabago. Napalibutan ng itim na usok ang paligid ni Spade hanggang sa lumabas sa kamay nito ang isang itim at mahabang sandata. Hinawakan niya ito na mahigpit at binalingan ng masamang tingin ang lalaki sa harapan.

"Sa tingin ko ito nga ang kailangan natin." Ibinuka ng anghel ang palad nito at lumabas doon ang isang sandata. Napapalibutan iyon ng magkahalong ginto at bughaw na kulay. Ang mga puting piraso ng puting pakpak nito'y sumasabay sa ihip ng hangin na nagmumula sa paligid nito.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa sandata nang makita ang mahabang espada ng makakatunggali. Pinaglaho nito ang puti nitong pakpak na kaagad din naman niyang ginaya.

"Sabihin mo nga, Bakit gano'n-gano'n na lang ang kagustuhan mong makuha si Sapphire mula sa akin. Baka nakakalimutan mo, ako ang una niyang nagustuhan." Itinutok nito ang espada sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin. "H'wag mong sabihin sa aking nagugustuhan mo siya?" saka ito nagbigay sa kanya ng mapanudyong ngiti.

"Hindi mo na kailangan pang malaman pa." mabilis siyang sumugod ng atake kay Cross.

Buong lakas nitong sinalag ang atake niya. Dumulas ang kanyang sandata at inambangan siya nito ng suntok sa tagiliran. Napabalikwas siya't mabilis na dumistansya sa laban. Isang inis na tingin ang kanyang ibinato sa katunggali bago muling sumugod. Mayroon pang ilang pwersa ang tumutulak sa magkabilang sandata. Gano'n ang nangyayari sa tuwing nagtatama ang espada na para sa kabutihan at espada na para sa kasamaan.

Inilabas niya ang kanyang itim na pakpak at lumipad sa himapapawid maiwasan lang ang susunod na atake. Nagliparan ang ilang mga ibon papalayo sa kanilang paligid. Protektado sila ng ilusyon na kanilang ginawa. Hindi sila basta-basta makikita ng mga mortal habang sila'y nagtutunggali.

The Devil's Lover ✅Where stories live. Discover now