[1] The book

9.2K 230 26
                                    

KABANATA I

I

TITIG NA TITIG si Sapphire habang sinusundan ng tingin si Rico. Mag-isa siyang kumakain sa bakanteng pwesto sa garden habang palihim na ninanakawan ang tingin ang binata. Isa 'yon sa campus heartrob ng eskwelahang kanyang pinapasukan. Nilingon niya ang kabilang bahagi ng garden at nakita ang mga kaibigan niyang abalang-abala sa mga boyfriend. Pagkalunok na pagkalunok niya sa kinakaingn tinapay ay kaagad siyang bumuntong hininga.

"Ano ba naman 'tong buhay na 'to. Ako na lang yata ang wala pa ring boyfriend sa grupo."

Sa tuwing sasapit ang break time, mag-isa siyang kumakain sa pwestong 'yon. Break time na lang daw kasi ang oras na maaring makasama ng mga kaibigan ang kanilang boyfriend kaya't gano'n ang sistema nila. Sa tuwing nasa loob ng klase, ang oras nila'y nakatuon sa pag-aaral at mga kaibigan. Pero ang ending, hindi rin sila makakapagkwentuhan dahil abala nga ang lahat.

Sa oras naman ng pag-uwi ay hinahatid naman ng mga kasintahan ang kanyang mga kaibigan. In the end, loner ang drama niya buong maghapon. May kaibigan nga subalit hindi naman niya madama. Ang lungkot nga naman kung lahat ng mga kaibigan mo'y nasa mga boyfriend ang atensyon.

Kulang na lang durugin niya ang hawak-hawak na plastic cup habang ginagala ang paningin sa school garden. Kahit saan siya lumingon ay nakakakita siya ng magkakapareha, mga grupo-grupong magbabarkada. Samantalang siya... heto't nag-iisa.

"Tch. Tuwang-tuwa kayo sa mga boyfriend at girlfriend niyo, walan namang forever. Magbebreak din kayo! Ipagdarasal ko 'yan!" isip-isip niya at saka kumagat sa footlong.

Lumingon siya sa kanyang relo. Ilang minuto na lang at matatapos na ang break time. Ilang oras na lang at muli na namang masusunog ang pwet at utak niya sa loob ng klase.

Hindi naman siya mahilig sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Hindi rin naman siya mahilig sa away o kung ano pa man para maturn off sa kanya ang mga lalaki. Sa eighteen years na pamumuhay niya sa napakalawak mundo, hindi niya maintindihan kung bakit wala pa ring lalaking nagkakaroon ng interes sa kanya.

Napapikit siya ng mariin. Internal irritation. Pakiramdam niya'y siya na ang pinakapanget na babae sa campus na 'yon. Sa labis na kagustuhang magkaroon ng boyfriend, siya pa mismo ang nanliligaw sa mga lalaki. Which is a big no no.

"Yo! Crossl himala at dito ka na ulit tumatambay." Binalingan niya ng tingin ang lugar kung saan niya ito narinig. Napangiti siya nang masilayan ang binatang nagngangalang Cross. Dahan-dahan niyang ibinaba ang iniinom na juice at nagsimulang magpantasya.

Mas lalo siyang napangiti nang makita niya itong ngumiti. 'Di sa kanya kung hindi sa mga kaibigan nito. kasama ito sa circle of friends ni Rico. Ang grupo nila ang kadalasang kinakikiligan ng mga kababaihan sa campus. Tall, not so dark, but damn handsome. Pakiramdam niya'y nakatingin siya sa grupo ng mga anghel na pinababa sa lupa para lang masilayan niya.

Pakiramdam niya'y bumabagal ang sandali habang pinagmamasdan ang binata. Tanging ang ngiti at ang pagkilos lang nito ang kanyang nakikita. Nagulat naman siya nang mapansin niyang lumingon ito sa kalulugaran niya. Dala nang pagkataranta, natabig niya ang iniinom na buko at tumapon sa mesa.

"Oh my! Very wrong, Sapphire!" dali-dali siyang kumuha ng panyo at pinunasan ang paldang natapunan. Kasabay no'n ang pagtunog ng school bell kung kaya't napaangat siya ng tingin. "Bad timing talaga. Papasok ako ng basa ang palda."

Muli niyang sinulyapan ang binatang pinagmamasdan kanina. Tumayo 'yon sa kinalulugaran at nakapamulsang naglakad papasok ng building kasama ang mga barkada. Wala siyang magawa kung hindi ang sumimangot at ipagpatuloy ang pagpupunas sa laylayan ng palda. Tumayo siya't kinuha ang footlong na konting kagat na lang ay mauubos na.

The Devil's Lover ✅Where stories live. Discover now