[2] Spade Valdez

5.6K 177 30
                                    

KABANATA II

KABANATA II

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I

NAPAAWANG ang bibig ni Sapphire. Namilog ang mga mata't 'di maitago ang panginginig. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Ang namumulang mga mata nito'y nagbibigay ng kilabot sa kanyang sistema. Ang mahahabang sungay na maaring tumusok sa kanya. Mahahaba ang itim na kuko na nangingibabaw sa maputing kulay ng balat.

"D-demoyo!" bulalas niya.

Taranta siyang tumayo at nilabanan ang panlalambot ng kanyang tuhod. Halos matumba siya makarating lang sa nakasaradong pintuan. Lakas loob niyang dinaanan ang nakakatakot na nilalang sa kanyang harapan. Subalit nang mahawakan niya ang door knob, hindi niya ito mabuksan.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" sunod-sunod niyang pagkalampag sa pinto. Sinubukan niya muling pihitin ang door knob ngunit siya'y nabigo. Takot na takot niyang tiningnan ang nakatalikod na nilalang sa kanyang harapan. Napansin niyang dahan-dahang naglalaho ang itim na pakpak nito hanggang sa nagiging piraso ito ng lumilipad na mga balahibo.

"Isang tao ang tumawag sa akin mula sa mundong ilalim. Pagkatapos ay tatakbuhan mo ako?" Lumingon ito sa kanya na ikinatigil ng kanyang sistema.

"H-huwag mo akong sasaktan. M-maawa ka sakin. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral, gusto ko pang magkaroon ng trabaho, magkapamilya, magkaroon ng mga anak. Please h'wag mo akong sasaktan." Saka niya ipinagkrus ang kanyang mga kamay at itinapat 'yon sa demonyo.

Nakita niya kung papaano 'yon napahawak sa dibdib. Mukhang may naramdaman 'yong pagkirot habang nakatapat ang pinagkrus niyang mga kamay. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, pag-asang makakalayo pa siya sa nakakatakot na nilalang habang ginagawa niya 'yon.

Nabura ang kanyang ngiti nang makarinig ng marahang pagtawa. "At sa tingin mo tatablan ako niyang pinaggagagawa mo?" Umayos ito ng tayo at bumaling ng tingin sa kanya. "Hindi ito oras ng pakikipaglokohan. Sabihin mo na ngayon ang iyong kahilingan."

"K-kahilingan?" Humalukipkip ang kausap. Nakita niya kung papaano lumutang ang isang libro 'di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin kung anong libro ang papalapit sa kanila. Book of wishes.

"Tinawag mo ako sa pamamagitan ng librong ito. Imposibleng wala kang kahilingan na nais matupad."

"Hindi ko naman alam na totoo pala ang mga nakalagay d'yan eh!" diretsong sagot niya.

"Mortal, naiintindihan mo ba kung ano ang ginawa mo? Sa tingin mo isang laro lang ang lahat ng ito?" Hindi niya magawang sumagot. Napakagat siya ng labi at umiwas ng tingin. Walang pagsidlan ang kanyang takot, naghuhurumentado ang kanyang isip, nanlalamig ang kanyang mga kamay. "Mukhang handa ka nang mamatay. Nakakalungkot lang dahil mamamatay kang walang natutupad na kahilingan."

Otomatiko siyang napaangat ng tingin. Dali-dali siyang napaluhod ng wala sa oras. "Pakiusap h'wag mo akong papatayin. Gusto ko pang mabuhay. G-ganito na lang..." Tarantang sagot. "H-hilingin ko na bumalik ka na lang sa kung nasaan ka man. Na manumbalik ang lahat sa normal bago ko pa buksan at basahin ang librong 'yan."

The Devil's Lover ✅Where stories live. Discover now