Kabanata 3

15 0 0
                                    

"Excuse me Christel." Magalang na sabi ni Sir Paolo.

"Ahmmm. B-bakit po?" Nangangatal na tanong ko. Paano ba naman, bigla-bigla na lang sumusulpot 'tong anghel na 'to. 

"Magpapatulong sana ako sa paglalagay ng design sa stage kung 'di ka busy." Ano ako? Utusan mo. Pasalamat kang lalaki ka kung hindi ka lang talaga gwapo at kaakit-akit hindi kita tutulungan diyan at kung tinatanong ninyo kung para saan yung design sa stage, para yun sa nalalapit naming Sportsfest.

"Ay. Hindi po ako busy. Ayos lang." Sabi ko sa kanya. Yes! Makakasama ko sa unang pagkakataon 'tong gwapong gurong 'to pero siyempre wala pa ring makahihigit sa ka-gwapuhang taglay ni Sir Jonathan. Asawa ko yun eh. Haha.

"Salamat ah. Tara start na tayo." Sabi niya sabay ngiti. Gosh! Pamatay din ang ngiti nito. Baka mamaya matunaw na ako nito sa sobrang hot niya. Ilang oras ko din makakasama 'to. Tutal, minsan lang 'to, lubus-lubusin ko na. Haha.

"Uhm. Sir, may itatanong pala ako?" Tanong ko habang idinidikit ko sa stage yung ibang pandesign.

"Yes Christel?" Tumigil siya saglit sa ginagawa niya.

"Bakit po pala kayo umalis sa Davao? Eh balita ko okay dun."

"Gusto kong makipagsapalaran dito sa Manila. Akala ko nung una madali, yun pala mahirap. Ang hirap humanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakita ko 'tong school na 'to kung hindi ewan ko na lang."

"Nasaan po pala yung pamilya ninyo Sir?" Inosenteng tanong ko.

"Andun sa Davao. Actually, single-mom ang mother ko at never ko pang nakilala ang father ko at ako ang ang nag-iisang anak. Kung tatanungin mo, wala akong balak na makilala yun." Pagkatapos niya itong sabihin, napasimangot ang kanyang mukha. Nakakaawa naman si Sir Paolo. Di halatang may pinagdadaanan. Sa gwapo ba naman kasi niya.

"Sad to hear that Sir. Naiintindihan ko po kayo. Buti po hindi ninyo naisipang mag-rebelde. Di katulad ng iba diyan, pag nalamang broken family sila, ayun magrerebelde?"

"Thanks Christel. Uhmm. Hindi ko naisipang magrebelde dahil alam kong kahit ganun ang nangyari sa nanay ko, na iniwan ng tatay ko, kahit papaano may ngiti pa ring gumuhit sa labi niya noong ipinanganak ako kaya naman masasabi ko na ako ang anghel sa kanya." Paliwanag niya.

"Ang bait ninyo naman po. Kaya nga nagkagusto ako sa inyo eh." Oops! Nadulas ako. Sana di niya narinig kung hindi patay ako nito.

"Paki-ulit ng sinabi mo Christel?" Nagtatakang tanong niya. Patay! Ano kayang palusot ang gagawin ko nito?

"Ay! Wala po. Ang sabi ko, kaya idol ko po kayo kasi ang bait ninyo." Palusot ko.

"Ganun? Thank you ah." 

"Wala po yun." Sabi ko habang nililigpit ko ang mga gamit dito kasi gabi na. Bukas na lang namin 'to ipagpapatuloy.

Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sa kanya, "Mauuna na po ako Sir, see you tomorrow."

"Sige ingat Christel." Sabay ngiti sa akin.

Pagkarating ko dito sa bahay, kumain na agad ako ng hapunan at ginawa ko na rin ang mga assignments ko. 

"Ugh! Ang hirap naman nito." Halos itapon ko na tong notebook ko sa Math sa sobrang hirap ng assignments. Ilang oras na rin akong babad sa computer sa kaka-search kung paano i-solve 'to pero wala talaga eh. Makatulog na nga bukas ko na lang 'to tapusin sa school. 

"Good morning Christel, kamusta na?" Tanong ni Sir Jonathan habang naglalakad kami kasi halos sabay kami nakarating dito sa school ngayong araw kaya nagsabay na lang kami naglakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon