Kabanata 1

68 1 4
                                    

"Bes, may assignment ka na sa Science?" Proud na proud na sabi ni Leigh habang ipinapakita niya sa akin yung notebook niyang may answer. Oo nga pala! May assignment nga pala kami. Sa dinami-rami pa nang makakalimutan, assignment ko pa ang malimutan ko. Buti pa si bestie meron na.

"Wala pa bes eh. Nakalimutan ko." Sabi ko sa kanya nang nakasimangot.

"Pakopyahin na lang kita." Alok sa akin ni Leigh. Hindi ko na kailangang mangopya dahil vocabulary naman yan. Ang dali dali namang hanapin niyan. Sus! Sisiw lang yan sa akin, wala pang 30 minutes tapos na yan. De Joke lang.  

"No thanks bes, gagawa na lang ako mamayang recess." Sabi ko sa kanya.

"Oh. Okay bes. Teka, nasaan na pala si Tim?" Tanong niya sa akin. Nasaan na nga pala yung mokong na yun? Bakit ang tagal niya? Malapit nang magsimula ang klase. Baka naman nagpapa-GWAPO pa yung lokong yun para sa mga babae niya. Tsk. 

 

"Hey guys! Sorry na-late ako. Kasi tinanghali na ako ng gising. Ang lamig kasi kagabi eh kaya napasarap ang tulog ko. Pasensya na" Bati ni Tim sa amin. Ano naman ang pakialam ko dun kung tinanghali ka ng gising?

"Ang sabihin mo, nakipag-chat ka sa mga babaeng umaaligid sayo kagabi kaya tinanghali ka na nang gising ngayon!" Galit na sagot ko. Baka isipin ninyo nagseselos ako sa mga babaeng umaaligid kay Tim. HELL NO! Never akong magseselos at mas lalong hindi ako magkakagusto kay Tim dahil hanggang bestfriends lang kami. PERIOD. Walang kokontra kung hindi pepektusan ko kayo. De joke. Naiinis lang ako dahil ayokong maloko ng mga MALALANDING BABAE sa campus ang bestfriend ko.

"Sorry na Christel. Wag ka nang magalit. Hayaan mo, babawi ako. I-treat ko kayo ni Leigh mamayang recess. Ano? Bati na tayo ha." Pagmamakaawa ni Tim sa akin. Pasalamat siya bestfriend ko siya kaya hindi ako makatiis na hindi siya patawarin.

"Sige na nga. Bati na tayo." Wag ninyo akong gagayahin na mukhang libre ako para lang makipagbati kay Tim. That's bad. (pero ginagawa pa rin)

"Yehey!" Tuwang-tuwang sabi ni Tim sabay yakap sa akin.

"Uy. Sobrang CHEESY." Kantyaw ng mga kaklase namin kasama na dun si Leigh. Ano ba kayo? Bestfriends lang kami ni Tim. Yes. We're just friends.

"Tigilan ninyo nga. Nakakahiya. Friends lang kami ni Christel." Sabi ni Tim. Good! Sinabi mo sa kanila na FRIENDS lang tayo. Dahil hanggang doon lang talaga kami. Purgang-purga na ako sa mga tukso nila sa amin mula First year high school pa lang kami. 

Pagpasok ni Sir Paolo sa classroom, sabi niya "CLASS! ANO NANGYAYARI DITO? BAKIT ANG IINGAY NINYO? MAY NAGKAKALASE SA KABILANG CLASSROOM. PAG AKO PINATAWAG SA PRINCIPAL'S OFFICE, KAYO ANG MANANAGOT!" Galit na sabi ni Sir Paolo. Buti nga sa inyo. Ang lalandi ninyo kasi. 'Yan ang napala niyo. 

"Wala po Sir. Pasensya na po. Sagot ng isa sa mga kaklase ko na hindi maipinta ang mukha. Pagkatapos kaming sermunan, nagklase na siya. Pero, infairness. Ang GWAPO  pa rin niya kahit galit siya. Bakit ganito? Naaakit ako sa kanya. Sa ka-GWAPUHAN niya. Hindi kaya, nagkaka-CRUSH na ako sa kanya? NO! Paano na lang ang pangarap ko, na MAPASAAKIN si Sir Jonathan kung mangyayari yun?

"Psst. Napapansin ko kanina ka pa nakatulala kay Sir Paolo. May crush ka sa kanya noh?" Bulong sa akin ni Leigh. Hindi ko namalayan na napapatitig na ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi tapos ang HOT pa niya. Mukha pa lang ULAM na. Pero wala pa rin tatalo sa ka-GWAPUHAN ni Sir Jonathan. 

"Sort of? I don't know. I'll explain it later" Sagot ko sa kanya. Mamaya na ako mag-eexplain sa kanya. Makikinig na ako sa lessons namin baka mamaya magbigay ng quiz 'tong si Sir, wala pa akong maisagot patay na! Hindi ko siya mai-te TAKE HOME nang 'di oras. 'De joke lang. Hindi pa naman ako ganung kalandi at tsaka bawal yun.

Ang High School LifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin