Kabanata 2

76 1 3
                                    

"Hi Christel. Long time no see." Bati sa akin ni Sir Jonathan sabay tabi sa akin. Kakilig, para kaming nagde-DATE. Chos! Malandi lang? Andito kasi ako ngayon sa canteen. Nag-iisa lang ako. Paano ba naman, yung mga MABABAIT kong mga kaibigan, iniwan ako. Biglang nawalang parang bula.

"Hey! Sir. Opo nga eh. Ang tagal na nga nating hindi nagkita." Sagot ko sabay subo sa binili kong french fries.

"Bakit hindi mo ako pinupuntahan sa guidance office? Akala ko pa naman galit ka sa akin." Sabi niya sa akin. Seriously? Hinihintay niyang puntahan ko siya sa guidance office para lang magpakita sa akin? Ayos din ng diskarte mo Sir Jonathan. Pasalamat ka CUTE ka kung hindi, kanina ko pa ibinuhos sayo 'tong softdrinks na hawak ko.

"Kasi mukha po kayong busy kaya hindi ako pumunta sa guidance office." Sabi ko sa kanya. 

"Hindi ako busy Christel basta ikaw." Seryosong sagot ni Sir Jonathan.

"Weh di nga?" Tanong ko.

"Oo promise. Gumaganda kasi ang mood ko pag ikaw ang kasama ko. Para lang kitang kapatid." Sabi niya. Ouch! Kapatid lang pala ang tingin niya sa akin? Kung sabagay, imposibleng magkagusto yun sa akin kasi malamang. Kung mamimili lang din siya ng babaeng magugustuhan niya, sa kapwa na lang niya Guidance Counselor at hindi yun magtitiyaga sa estudyanteng katulad ko. Hmp. (Bitter ako, pake niyo?)

"Wala po pala kayong kapatid?" Masusisa kong tanong.

"Wala. Ako kasi ang youngest sa tatlong magkakapatid eh." Kaya pala ganito pala akong itrato ni Sir Jonathan. Parang kapatid, dahil wala pala siyang bunsong kapatid. Siya ang pinakabunso sa kanila. Spoiled kaya siya sa kanila? Kasi kapag bunso 'di ba, spoiled yan sa magulang. Parang katulad ko. Ako ang favorite ni Mama at Papa at laging binibigay ang mga gusto ko kahit sinasabi ko sa kanila na 'wag muna kasi hindi ko pa naman kailangan.

"Parehas pala tayo Sir, youngest din ako sa family." Sabi ko na may halong pagkatuwa. 

"Appear tayo diyan." Sabay appear sa akin ni Sir Jonathan. Ang lambot talaga ng mga kamay niya. Ang sarap hawakan.

 "CHHHRRRIIISSSSSSSTEEEELLLLLLLLLLLL... AKYAT NA TAYO! PARATING NA SI MA'AM." Sigaw ng isang grupo ng magkakabarkada. 

"Tinatawag ka na ng mga kabarkada mo Christel. Nasa classroom na daw ang teacher ninyo. Akyat ka na 'lil sis baka pagalitan ka pa." Paalam ni Sir Jonathan sa akin. Umakyat na ako sa taas kasama yung mga mokong kong mga kaibigan, iniwan ko na si Sir Jonathan dun sa canteen. Buti naman at naisipan pa nilang tawagin ako. 

"Hoy! Tim at Leigh. Bakit ninyo ako iniwan sa canteen kanina?" Sabi ko kina Tim at Leigh na kunwari nag-gagalit-galitan ako.

"Hindi ka kaya namin iniwan. Ikaw kasi, ang bilis-bilis mong lumakad, ayan tuloy, naiwan ka." Pangangatwiran ni Tim.

"Oo nga Christel. Parang 'di ka rin natuwa na naiwan ka namin. Ang sweet ninyo nga ni Sir Jonathan kanina. Para kayong nagde-DATE." Depensa ni Leigh. Hindi ko pala napansin na pinagmamasdan pala kami ni Sir Jonathan nina Tim, Leigh, Cha at Steph habang nagkukwetuhan kami sa canteen. Panira talaga ng moment.

"Wag na kayong mangatwiran diyan mga babae. Ang sabihin ninyo, sinadya ninyong akong iwan!." Sabi ko sa kanila.

"Why are you not listening, Tim, Christel and Leighton?" Saway sa amin ni Ma'am Jeanne. Patay! Paano na 'to. Baka mapa-guidance pa kaming tatlo nito dahil sa kagagahan namin. 

"S-sorry ma'am, hindi na po mauulit." Dispensa ko kay Ma'am Jeanne.

"Okay. Don't do that again, kung hindi, sa guidance office na ang bagsak ninyong tatlo." Madali rin pala 'tong kausap si Ma'am. Kung sabagay, mabait naman siya. Hindi nga niya magawang sigawan ang mga estudyante. Pero infairness, isang sabi lang nakikinig na agad, parang kagaya lang namin. 

Ang High School LifeWhere stories live. Discover now