Mga Tauhan

73 1 3
                                    

Christel Sandoval - Isang 2nd year High School Student na may pangarap sa buhay at determinadong makamit ang tagumpay na kanyang inaasam. Pinahahalagahan nito ang mga bagay na meron siya kasama na rito ang kanyang pamilya at kaibigan.  

Jonathan Nicolas - Ang lalaki na ubod ng gwapo na CRUSH ng halos lahat ng mga estudyante sa Westridge Academy. Nakapagtapos ito ng Bachelor of Science in Psychology at kasalukuyan itong nagmamasteral. Badminton Coach rin ito sa Westridge Academy. Siya ang DREAM GUY ni Christel.

Jaycelle Marie Sandoval - Ang ate ni Christel na mahilig sa mga Country Songs kung kaya't iniidolo nito si Taylor Swift. Supportive at itinuturing na itong 'Bestfriend' ni Christel. Kasalukuyan na itong 4th year High School student.

Leighton Smith(Leigh) - Ang Grade School bestfriend ni Christel na conservative (daw) pero ubod rin ng landi. Sa kabila nito, thoughtful na kaibigan ito kay Christel at ang ama nito ay isang Amerikano samantalang ang kanyang ina ay isang Pilipina.

Paolo John Enriquez - Ang Class Adviser ni Christel na ubod rin ng gwapo na nagmula sa Lungsod ng Davao. Tulad ni Sir Jonathan, hindi pa nito nararanasang magkaroon ng kasintahan. Magkakaroon ng CRUSH sa binatang guro na ito si Christel.

Timothy Mendoza(Tim) - Ang High School bestfriend ni Christel na bakla (dati) pero nagpakalalaki na ngayon dahil may lihim siyang pagtingin sa isa sa kanyang kaibigan na babae mula nang sila ay nasa 1st year High School pa lamang. Mabait, mapagbigay at matalino ito. Siya ang tipo ng lalaki na hinding-hindi susuko pagdating sa mundo ng PAG-IBIG. Gagawin niya ang lahat, maipadama lang nito ang pag-ibig na kanyang nararamdaman para sa dalaga na kanyang iniibig.

Charlotte Gonzales(Cha) - Siya ang ate ni Stephanie at kaibigan ito nina Christel at Tim. Mabait ito at maalalahanin. Tulad nina Christel at Tim, may angking talino rin ito at siya ang tipo ng tao na pinapahalagahan ang mga bagay na meron siya lalong-lalo na ang kanyang pamilya.

Stephanie Gonzales - Siya ang bunsong kapatid ni Charlotte. Pareho silang 2nd year high school ni Charlotte dahil pinagdesisyunan ng mga magulang nila na sabay na lang pumasok ang magkapatid na ito para mayroong magbabantay at magtatanggol kay Stephanie. Mabait at kwela ito. May pagka-madaldal rin.

Ang High School LifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz