Chapter 3

4.9K 233 161
                                    


Nakakainis! Hindi ko alam kung ano'ng balak niya. Hindi ko maintindihan kung bakit umaakto siyang parang walang nagbago sa pagkakaibigan namin. Sa pagkakatanda ko, siya ang unang lumayo. Siya 'tong bigla na lang nagpaka-cold dahil lang may girlfriend na siya. Anim na buwan kaming hindi nag-usap, tapos biglang ganito?

Hindi ko talaga gets!

Hinila ko ang dulo ng buhok ko sa sobrang inis. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko 'to agad para i-check. Katatapos ko lang mag-shower at gusto ko nang matulog, pero mukhang balak na namang mangulit ni Migs.

Maghapon nang hindi matahimik ang phone ko. Tawag siya nang tawag; kapag sinagot ko naman, sorry siya nang sorry dahil nauubos na raw niya ang load ko. Baliw na ba siya?

"Aba," bulong ko pagkakita sa cellphone ko. Hindi pala siya tumatawag, for the first time in forever, mukhang nausuhan na ulit siya ng salitang text message. In-open ko ang text niya.

From: WHO YOU

Mahal na prinsesa. Natanggap mo na ba ang load?

Ini-scan ko naman ang inbox ko at hinanap kung talaga bang ibinalik na niya ang load ko. Napabuntong-hininga ako nang makitang may load nga siyang ipinasa sa 'kin.

From: 2916

You have just received P143 from 09177770917. This load will expire after 45 day/s. Trans ID: 728183819

P143? Nagpapaka-sweet ba siya o ano? Napakalayo naman yata ng one hundred forty-three sa six hundred load na aksidenteng napunta sa kanya!

Pasalamat siya, wala na 'kong lakas para makipagtalo pa. Padabog akong humiga sa kama. Ni hindi ko namalayang nakatulog na pala 'ko.

Nagising na lang ako sa walang humpay na pag-vibrate ng cellphone ko kinabukasan. Kinuha ko ang phone ko at isa-isang binasa ang mga bagong message... lahat galing kay Migs.

From: WHO YOU

na na na na babanana. Na na na babanana. Bananaaaaaaaaaaaah. Potato naaaaaaaaaaah. Good morning! Pwede na ba kong alarm clock?

From: WHO YOU

mahal na reyna, gumising ka na. :)

Bumuntong-hininga ako habang nagbabasa. It's official, naniniwala na 'kong nabaliw na talaga siya. Sa tagal ng panahong naging kaibigan ko siya, ngayon lang lumagpas sa isang text kada araw ang ipinadala niya sa 'kin. Sinusulit niya yata talaga ang load ko.

From: WHO YOU

kita tayo mamaya? Pwede ba?

From: WHO YOU

. . . tulog ka pa? Ah Christmas break nga pala. Tsk. Tulog-mantika ka pa rin kapag walang pasok?

Pinili kong 'wag na siyang pansinin at mag-almusal na lang. Niligpit ko ang pinaghigaan ko, sinuklay ang buhok at tuluyan nang bumaba. Sa hagdan pa lang ay naamoy ko na ang paborito kong bacon at ham. Binilisan ko ang pagkilos hanggang sa matanaw ko si Mommy Bel na palabas ng pinto.

Natigilan ako nang makitang pagbalik niya ay may kasama na siya.

"Migs?"

Nagtaas ako nang isang kilay habang pinagmamasdan si Migs na pormang-porma na parang sasagala. Mas tumangkad siya, parang mas pumuti rin. Maikli na ulit ang buhok niya kaya mas malinis siyang tingnan. Nakangisi pa siya pero halatang namang kinakabahan dahil mukha siyang constipated na ewan.

"O, Match, tutunganga ka na lang ba? Nandito si Mickenzie!" ani Mommy.

Napalunok ako. Alam ni Mommy na nag-away kami ni Migs, imposible namang hindi. Pero sabi nga ni Mommy noon, "He'll come around, Match. Matatauhan din 'yon at pag nangyari 'yon, i-welcome mo siya nang buong-buo. Don't hate him." Kaya ngayong nandito na si Migs, hindi kataka-takang ganyan ang reaksyon ni Mommy.

Migs & Match by justmaineyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon