Chapter 2

6K 247 125
                                    

"Hello? Sino-sino na ang nandito?" tanong ko. Halos sabay-sabay namang sumagot ang mga kaibigan ko kaya nawindang ako. "Wait lang! Teka, ang gulo n'yo."

Nagtawanan lang sila. Mula nang magka-cellphone kami ni Migs, hindi na namin pinalampas ang conference call ng barkada na nangyayari tuwing Sabado ng gabi. Limang taon na rin mula nang magka-cellphone kami. Sino'ng mag-aakalang seventeen na 'ko at nineteen naman si Migs.

Nakadalawang palit na rin ako ng phone, nanakaw 'yong una at 'yong huli naman, nahulog sa swimming pool dahil sa kalokohan ni Migs. Itinulak ba naman ako sa pool nang walang pasabi noong minsang nag-swimming kaming magbabarkada. Nasa bulsa pa naman ang mga gadget ko kaya 'yon, nasira.

Si Migs naman, gamit pa rin ang cellphone na iniregalo ng mga magulang ko. Masyado siyang maalaga sa gamit kaya hindi na napagtataka.

"Ako, si Elaine, Ralph, Migs at ikaw ang nandito," ani Shyla sa matinis na boses.

"Sina Danika, Cyrus at Mella?" tanong ko.

"Busy yata. Pero teka, off topic muna. Balita ko may nanliligaw kay Elaine," tukso ni Ralph.

Napuno naman ng ayiie at wow may nagkamaling pumatol ang usapan. Tawa lang ako nang tawa habang pinakikinggan sila.

Kung sino man ang nakaimbento ng conference call, I swear, idol ko na siya! Mas convenient kasi para sa 'min ang magtawagan na lang dahil hindi naman kami pare-pareho ng course at madalas pa kaming maging abala sa kanya-kanyang buhay. Mabuti na lang din at halos TM user kaming lahat, maliban kay Danika na Globe ang gamit.

"E, kay Match ba wala pa ring nagkakamali?" tanong ni Elaine sa nang-aasar na boses.

Ngumiwi ako. Ako na naman ang nakita, kainis! "Wala pa sa isip ko 'yang ganyang bagay," sagot ko.

"Sus, Match, wala lang talagang papatol dahil wala kang alam gawin," pabirong sabi ng magaling kong bespren. Ang yabang!

"Magaling naman ako sa sports, lalo na sa taekwondo!" sabi ko.

"Magaling mag-paint si Migs, Match. Magaling din siya sa digital arts, magsulat ng kuwento, essay, tula. Member pa ng theater--"

"Hep hep! Shyla naman, oo na! Alam ko na 'yon. Kapag natupad ang pangarap kong i-represent ang Pinas sa isang international taekwondo event, who you kayo sa 'kin."

Natawa naman si Migs. "Libre mangarap, Bespren. Basta 'wag sobra, baka masaktan ka lang."

"Tigilan n'yo na nga 'yang dalawa. Match, tanggapin mo na lang. Match ang pangalan mo pero no match ka kay Migs. Kahit sa pag-ibig, bigo ka," natatawang banat ni Elaine na lalong nakapagpangiwi sa 'kin.

"Kapag talaga nanligaw sa 'kin si Diego," bulong ko.

"Ano, Match? Nabingi yata ako sa sinabi mo," ani Ralph. "Sinong kwago?"

Napairap ako sa kawalan nang magtawanan na naman sila. Mga baliw talaga. Anong kwago? Si Diego 'yon, isa sa mga trainer ko sa taekwondo. Kilala siya ni Migs pero walang nakakaalam na crush ko si Diego. Naging crush ko lang kasi siya mula nang turuan niya ako ng tornado kick. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin, twenty-one lang siya.

Kaso, wala akong balak sabihin 'yon sa mga kaibigan ko kaya pinili ko na lang manahimik. Nagpatuloy naman sila sa mahaba-habang kuwentuhan at asaran.

Kinabukasan, maaga akong nagising para magsimba kasama ang buong pamilya. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay lang ng clip sa gilid. Isinuot ko ang paborito kong dress na ibinigay ni Migs noong fifteenth birthday ko.

Migs & Match by justmaineyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon