STUDENT-TEACHER AFFAIR[66]

29.6K 293 18
                                    

<===== VOTE ^___^

Student-Teacher Affair

Nagising ako dahil sa mga ingay na nakikinig ko sa room, hindi muna ako bumangon, nag dasal muna ako.

“ Gising na si Oli!” sigaw ni mycka.

I just smiled at her.

Dinala nila yung breakfast ko.

“ Ready ka na ba?” tanong nila sakin.

“ Ako pa”

I checked my phone, I got a text from chase.  ‘See you later Damz, I love you’

Napasmile nalang ako. After breakfast, naligo na ako. Dumating na rin yung makeup artist.

“Napaka gandang bride naman nito” sabi nung makeup artist.

Hinanap ko kung nasan ang friends ko. Nasa kabilang room sila, mine-makeupan na rin sila. Pumunta na ko dun sa may make up artist ko.

“ Ilang months na yan?” tanong niya sakin.

“ 8 months na po” sagot ko.

“ Talagang hindi mo na inintay na manganak ka ah?” tumawa nalang siya. “ sa tingin ko naman hindi ka iiwan ng mapapangasawa mo, sa ganda mong yan!”

Hahaha. Natawa ako.

Pumasok na yung videographer, sige lang ng sige sa pag vivideo. Nag smi-smile naman ako sa kanila.

“Ilang taon ka na?” tanong sakin.

“20 po”

“Ahhh, pwede na pala.”

After almost an hour, natapos na hair and make up ko. Tinulungan ako ng friends ko na mag bihis.

Humarap ako sa salamin. Wooooh! Ilang minutes nalang. Magiging mrs. Xavier na akes!

***

“Okay Via, get ready. Nag lalakad na ang mga secondary sponsors mo” sabi ni mindy.

Grabe! Ganito pala ang feeling pag ikakasal ka na, iba yung feeling ng tyan ko, parang may mga butterflies! Grabe lang talaga! Hindi ko rin mapigilang maging teary eyed.

“Okay via, ready ka na?” tanong niya sakin. Nag smile nalang ako.

Dahan Dahan akong nag lakad.. hanggang sa makaabot ako sa isang elevated na spot kung saan angat ako sa mga tao, at kitang kita nila ako, sinundo ako ni daddy dun.

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon