STUDENT-TEACHER AFFAIR[20]

42K 345 17
                                    

Guys, pwede nga po palang mag vote, mag comment at mag fan. :) Salamat po

<------------------------- ayan lang ho. :D

Student-Teacher Affair

Nagising nalang ako sa tunog ng ‘beep’ na naririnig ko. Naramdaman kong may nakakabit sa muka ko. Tinanggal ko to at minulat ang mata ko.

“Oh, ano ba.  Ibalik mo yan” kahit hindi ko nakita yung nag salita. Alam kong pinsan ko yun. Hindi ko siya pinakinggan. Umupo ako sa bed. Feeling ko hinihingal ako.  Biglang pumasok si ate cass, naka pang nurse siya.

“Oh, gising na pala ang pasyente. Ako ang nurse na naka assign sayo” sabi niya.

May naalala ako, nasan na yung dalawa?

“Pinaalis ko na sina Chase at Seung.” Sabi ni kuya.  Bumalik nalang ulit ako sa pag kakahiga.

Dumating si yaya, may dalang food. Umupo na ulit ako para makakain. Naiinis ako dahil hindi ako makakain ng maayos. Ang sakit ng mga daliri ko.

“Tsk!” binitawan ko yung spoon at tinulak palayo yung table.

“Susubuan na kita” sabi ni kuya. Nag sasalita siya habang sinusubuan ako “Tinakot mo daw sila ah, hindi nila alam ang nangyari sayo.”  Hindi ko na sinagot, kumain nalang ako. “Ano bang nangyari at bigla ka nalang hinimatay?” nag shrug lang ako. Hinawakan niya ako sa buhok “Tinakot mo ko via” ramdam ko ang lungkot at takot sa boses niya.

“Ok lang naman ako eh. Hindi ko rin alam ang nangyari kanina” sagot ko. “Busog na ko. Salamat”

‘nasan ang 910?!’ nagtinginan kami ni kuya. Ang ingay nung nasa labas ah, kung makasigaw wagas! Biglang bumukas yung pinto. Nagulat ako.

“Mycka...” naalala ko yung babaeng sumisigaw “Ikaw yung nag hahanap ng room na to?... teka, anong room ba to?”

“910” sabay nilang sinabi ni kuya.

“Ooooh”

“Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?” hinahaplos niya muka at buhok ko.

“OA ka. Ok na ko oh. Di mo kita?”

“san ka ba nanggaling kanina? Hinahanap ka sakin ng boyfriend mo, sinabi ko lang na kasama mo sa room si sir” napatingin siya kay kuya “Sir!!!!!?”

“Dinalaw ko lang si Ms. Verdaguer. Tutal may binisita naman ako dito, sinabay ko na” excuse niya.

“Ahh, ganun po ba?” nag nod nalang si kuya.

“Sige, una na ako. Olivia, mag iingat ka.. Ikaw rin Mycka” umalis na si kuya. Inantay niyang makalabas ng room si kuya.

“Kilala niya ko!!!!!!!!!!!!!”  kitang kita ko ang kakiligan niya.

“hush! Nakakahiya ka eh” sabi ko.

 Tinulugan ko nalang siya. 

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon