STUDENT-TEACHER AFFAIR[58]

28.7K 276 18
                                    

<------------ VOTE

STUDENT-TEACHER AFFAIR

Nagising ako dahil parang may something akong nararamdaman sa tyan ko. Hinawakan ko siya at ramdam kong sumipa anak ko! Dahil sa sobrang excitement ko, nalimutan kong buntis ako at tumakbo ng di oras para iparamdam sa family ko na sumisipa ang baby ko!

“Hoy Hoy Hoy! Ikaw ba ay tanga? Anong katangahan ang pumasok sa isip mo at ikaw ay nag jojogging ng napaka bilis? Alam mo bang buntis ka pa?!” sigaw sakin ni kuya.

“Sorry, pasensya.. nawala sa isip ko.. kuya... tingnan mo” kinuha ko kamay niya at pinaramdam sa kanya, hindi na gumalaw yung baby kaya yung muka ni kuya parang nag tataka. “Ayan! Hindi na siya gumagalaw, kanina lang sumisipa na eh!”

“Sus! Baka gutom ka lang kaya ganyan ang tyan mo. Sumisipa bagang. “ sagot niya tapos biglang sumipa nanaman yung bata, sabay kaming napangiti ni kuya. “Sumisipa nga!” kitang kita ko sa muka ni kuya na tuwang tuwa siya.  “Tita! Mommy! Sumisipa yung baby ni via!” nag sisisigaw siya sa bahay. 

“Wag kang maingay baka mabingi anak ko” sabi ko sa kanya.  Tumakbo sina tito at tita papunta sakin, si mom naman nag lalakad lang... syempre buntis.

Excited na akong lumabas ang batang to. Gustong gusto ko na siyang i-hug!

Sabay sabay kaming nag breakfast, ang ingay namin.. puro kwentuhan

“Ma’m Via meron pong nag hahanap sa inyo sa labas” sabi nung maid.

“Sino daw yun?”

“James daw po” james? Sinong james?

Lumabas ako ng bahay pero sinundan ako ni kuya, iniisip ko kung sinong james ang nag hahanap sakin.

“Ahhhh, ikaw pala” sabi ko. Sya yung nag check-in sa hotel namin dati. “Bakit po kayo nandito?”

“May masamang binabalak sayo si charie, kaya kung ako ikaw.. hindi ako masyadong mag lalalabas ng bahay ng mag isa. Mag ingat ka, kilala ko si charie, marami siyang kayang gawin” sabi niya. Oookay.. kilala niya si charie... “She’s my Girlfriend” nagulat ako nung sinabi niya yun.

“May boyfriend siya? Eh bakit wagas naman kung makahabol kay chase” loko yun ah.

“Kasi hanggang ngayon mahal pa rin niya si chase, she’s just using me” naawa ako sa kanya. “Ako naman si tanga nag papagamit” buti alam mo. “Anyway, yun lang naman ang sinadya ko dito, ingat ka.. buntis ka pa naman.” Nag smile siya sakin bago umalis.

“May sakit siguro sa utak si charie no?” sabi ni kuya habang nag lalakad kami papasok ng bahay.

“Haay ewan.. masyadong obsessed.” Tinanong nina mom kung sino yung nag hanap sakin, si kuya na ang nag kwento dahil nawala na ako sa mood, bakit pag Masaya ka kadugtong na nun ang kalungkutan? So not cool!

Pumasok na ako sa kwarto after kong kumain, binuksan ko ang aking fb.. tagal ko na tong hindi nabuksan. Daming notifications. Tapos may noti galing kay chase, nag comment sa album naming ni seung.

 

‘Ang sweet niyong dalawa ano?’

 

Natawa nalang ako sa comment niya, pinag selosan pa yun.  Tapos nag comment din friends ko.

Yari ka kay Sir, pinag seselos mo’

 

‘Hala, selos na ang boyfriend’

 

 Ni-like ko nalang ang mga comments. Meron ding nag wall post ng ‘Congrats sa future baby, sana kasing ganda mo at kasing gwapo ng bf mo ang maging itsura ng anak niyo’  nag reply lang ako ng thanks. :)  Ang dami ding PM. Merong galing kay seung kaya naman binasa ko.

 

“Hello Via! Kumusta ka na? Di ka nag paparamdam ah, namimiss tuloy kita. Ano yung nababasa ko sa wall mo? May baby ka na? Wow ha ang bilis naman. Alam na ba ng family mo? If yes, then that’s good! Ninong ako sa binyag ng baby mo ah? Nandito na nga pala ako sa pinas ngayon, just got home nung first week ng march. Kelan ka ba manganganak? Anyway, labas naman tayo minsan, sama mo si chase.. papakilala ko rin sayo yung girlfriend ko, siya yung bestfriend ko diba na-kwento ko na siya sayo? PM me pag nareceive mo na to. Take care!”

 

Wow, buti naman may girlfriend na siya. Masaya ako para sa kanya, kahit papano naman may pinag samahan kami. Nag reply naman ako sa kanya.

hey there Seung. Haven’t talk to you in the longest time ah. I’m good, namimiss din kita, Yes I’m pregnant. Sa june pa ang due date ko, ninong? Sure sure. Ikaw pa! The whole family knows, medyo may konting drama at action ang naganap nun. Sige sige, looking forward to see you and your girlfriend. “

Ang daming bumati ng congrats sa wall ko, tapos meron ding mga negative comments.

ano ba yan, pumatol sa teacher’

 

‘ang bata bata mo pa po tapos ganyan na agad, idol ko pa man din po kayo dati’

 

Marami pang mga negative comments, syempre naman hindi naman natin maiiwasan ang mag karon ng negative comments diba. Normal lang yun kaya hindi ko na sila pinansin.. kung yun ang point of view nila wala na akong magagawa dun.

Nag post ako ng status

Thanks for the greetings everyone! I appreciate it, really. I’ll keep you guys posted.. hihi. About the negative comments, I’m sorry guys nobody’s perfect naman eh, lahat naman tayo may mga maling nagagawa sa buhay, pero itong ginawa kong ito hindi ko siya sinasali sa mga pag kakamali ko, Masaya ako sa nangyayari at nangyari sa buhay ko, kung hindi niyo gusto ito, eh wala na akong magagawa dyan, sariling opinion niyo yun eh. Thanks anyway. ‘

 

 Kakapost ko palang may nag like na agad.  Pinatay ko na loppy ko at natulog saglit.

*^*^*^

Thanks for reading. :)

Pa-follow po sa twitter

-----> julianneisa

THANKS PO

God Bless!

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon