STUDENT-TEACHER AFFAIR[21]

41.6K 381 36
                                    

Guys, pwede nga po palang mag vote, mag comment at mag fan. :) Salamat po

<------------------------- ayan lang ho. :D

Student-Teacher affair

Si Seung ang nag hatid sakin sa buhay nung lumabas ako ng hospital. Tahimik lang kami buong byahe.

Inakyat niya yung iba kong gamit sa kwarto ko. Ako nakaupo lang sa kama.  Nung tapos na siya lumapit siya sakin.

“Tinakot mo ako nung isang gabi ah. “ tiningnan ko siya, nginitian.

“Sorry.”

“Bigla ka nalang hinimatay, yung kulay mo nag vi-violet na. Anong nangyari?”

“Ewan ko, bigla nalang akong hindi makahinga. “ sagot ko.

“Anong sabi ng doctor?”

“Wala naman, wag lang daw masyadong ma stress tska right amount of sleep daw”  natahimik na kaming dalawa.

“Uh-..” sabay naming sinabi.

“Sorry ha” inunahan ko na siya. “sorry sa nangyari nung isang gabi. Sorry, hinalikan ko siya.. Sorry dahil mahal ko pa siya pero gusto na naman kita.. I’m starting to love you na, konting panahon nalang... mawawala na yung kay chase”

“Ramdam ko naman yun, Masaya ako kasi kahit papano nakakalimutan mo siya” sabi niya... “pero, ang tanong. Gusto mo bang kalimutan siya?” yumuko ako.

“ewan ko”

“Lagi bang ganyan nalang ang isasagot mo? Wag palaging safe answers Via.”

“Ayaw ko na gusto ko... Gusto ka ng lolo at pinsan ko. Ayaw kong kwestionin nila ako someday. Bakit wala na kayo? Nasan na si Seung?”

“Ayaw naman ng heart mo sakin. Walang silbi kung gusto ako ng family mo.” Sagot ni Seung.

“Hindi naman sa ayaw.. nagugustuhan ka na niya. Mas matimbang lang sa ngayon si chase” sabi ko

“Via, masakit tong ginagawa mo. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis kitang mahalin, wala pa naman tayong 3 months na mag kakilala. Hindi biro tong relasyon natin, seryoso ako dito. Ayaw ko mang bitawan ka, pero kelangan Para hindi tayo pareho masaktan. Kung tayo para sa isa’t isa... edi tayo. Mahahanap natin ang daan patungo sa isa’t isa. “ hinawakan niya cheeks ko.

“Sorry. Wag mong iisipin na pinag laruan kita ok? Masaya ako pag nakakasama kita. Talagang walang Chase na pumapasok sa utak ko... Seung lang” totoo to ah!

“I know. I can feel it. Alam kong totoo yung mga smiles and laughs mo.” Huminga siya ng malalim “I love you Olivia” hinalikan niya ako sa lips.

“Thanks” sabi ko. Ngumiti ako sa kanya, hindi fake ah.

“Btw, pupunta muna ako ng korea. Dadalawin ko family ko dun. “

“Ganun? Sige mag iingat ka ah” hinug ko siya ng mahigpit.

“Una na muna ako. See you when I see you”  tumigil siya nung nasa may pinto siya. “Ngayong araw na to, pareho na tayong single. Ok? Pwede na kayo ni chase, don’t worry.. hindi ko naman kayo isusumbong. Basta Masaya kaa, ok ako” lumabas na siya ng room.

Medyo nalungkot ako but on the other side, Masaya ako. 

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon