xxxii....

3.4K 37 10
                                    

GUYS SORRY MEDYO NATAGALAN ANG UPDATE...SORRY PO TLAGA....ETO NA PO ENJOY!!!!

ILOVEYOU ALL!!!!!

===================================================================

FRANZ POV

Grabe nakakapagod magdrive papunta ditto sa Vigan ang layo eh, pero mas napagod yata yung mga nakaupo lang sa van mas nauna pang nagpahinga sa kwarto

Dahil sobrang pagod ako di ako makatulog agad,ewan ko ba ganun ako kung kelan pagod na pagod tsaka ako di makatulog.

Imbes na making sa mga hilik nila sa kwarto aynagpasya akong lumabas at magpahangin muna,gusto ko kasing marelax ang utak ko kahit ngayon lang..lately kasi laging si Shane ang laman nito.natatakot kasi ako na pag sinabi ko sa kanya na mahal ko sya eh baka layuan niya ko..

Kumuha ako ng baso na may cube ice  at kinuha ang isang bote ng Jack Daniels sa may bar,pumuwesto ako sa may swimming pool..

Di ba nararamdaman ni Shane na mahal ko siya?

Di ba niya nakikita yung mga effort ko?

Ano pa ba kulang?

Dahil pareho kami?

Hayyy…..kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko kaya naman nagsimula na kong inumin tong alak sa tabi ko.

SHANE POV

10:00pm

Naalimpungatan ako kaya naman tumayo ako sa kinahihigan ko,at napansin kong wala si Franz sa pwesto niya

Saan naman kaya nagpunta yun ng ganitong oras??

Dahil  hirap na ulit akong makatulog ay nagpasya akong lumabas na muna ng kwarto para uminom ng tubig,medyo masakit din yung katawan ko nabugbog yata sa byahe kaya hahanap nalang din ako ng gamot baka meron naman sila ditong stock dahil medyo malayo sila sa bayan

Nagpunta ako sa may CR sa baba may nakita kasi akong medicine cabinet kanina dun baka may Alaxan man lang doon…sana *cross fingers pa

Dahan-dahan kong binuksan ang cabinet dahil medyo lumalangitngit

Hanap…

Hanap….

Hanap….

Ayun!

Nasa may maliit na kahon yung mga tabletas kinuha ko at tinignan ng expiration date

Okay naman halos mga bago pa siguro binilin to ni Franz adik din kasi sa gamot yun eh..konting sakit lang ng ulo at katawan niya iniinuman agad

Tapos kong inumin ang gamot ay nagpasya akong hanapin si Franz baka kasi kung napano na yun

Sa laki netong bahay nila parang kulang ang isang buong gabi para libutin to..saan naman kaya bamta nagpunta yun…

Isip….

Isip….

Aha!

Sa may pool! Naalala ko mahilig sa tubig ang lokong yun kaya malamang nanduon lang yun

Naglakad na ko papunta sa pool area at habang papalapit ay nakikita ko ng may nakaupo sa may gilid ng pool..at hindi ako magkakamali…si Franz yun! Tindig palang ng mokong nato kilala ko na

Pero….bakit parang umiinom yata….may problema kaya???

Agad ko syang nilapitan at umupo sa may tabi niya

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon