vii....

4.3K 36 3
                                    

FRANZ POV

Pangalawang linggo na namin ngayon pumasok sa 2nd sem...at ngayong araw na to ang Community Health Nursing namin! pupunta kami sa isang barangay at magaadopt kami ng isang pamilya para sa case presentation namin! at ang mga kagrupo ko? ang mga tropa ko rin syempre! ^___^

"Franz ready kana ba?" tanong sakin ni Kate

"Oo naman! excited na nga ako e"

"Ay nako! it's so hot kaya!! den we make lakad lakad sa eskinita ewwwiee yon!" sabat ni Sheng kala mo kung sino e no? arte lang

"dapat Sheng di ka nagnursing!" napapailing na sabi ni Patrick

"kung si Franz nga di mareklamo e...ikaw sobra!" iritang sagot ni Kate

"Oh tama na yan! baka magsapakan pa kayo" kunwaring inaawat ko sila

umalis na kami sakay ng tricycle excited ako kasi first time ko sumakay dito at backride pa ko...yieee!

ilang minuto lang ay narating na namin ang lugar maraming tao at mga bata patakbo takbo sinabihan nadin kami ng C.I. namin na magbahay bahay na para makakuha kami ng pamilya

Lakad...

Lakad...

Lakad...

napunta kami sa isang bahay na parang isang bagyo nalang e guguho na..nagusap usap kami at pumayag naman sila na ito na ang kukunin naming pamilya

agad kinausap ni nila Jheng ang nanay at pumayag rin naman meron siyang 4 na anak na puro maliliit pa at wala siyang asawa

kami naman nila Kate ang pumasok sa loob ng bahay..dahan dahan kaming pumasok dahil lumalangitngit ang sahig na parang isang maling apak lang eh babagsak ka..

matapos ang ilang sandali ay natapos na ang interview nila ke aling Miling

ako si Ron at si Patrick naman ay niyaya ang mga anak niya na maligo ang dudungis kasi.

nagkekwentuhan kami habang nagiigib

"hirap ng sitwasyon ni aling miling no?" lungkot na sabi ni pat

"Oo nga e..tignan mo mga anak niya...ang papayat e.."sagot ko

"ano kayang pwede nating gawin para kahit papaano makatulong tayo.." si Ron habang nagbobomba ng poso

"pag usapan natin yan mamaya pag magkakaharap na tayong magkakagrupo para magkasundo tayo.." suhestyon ko

tumango naman sila at nagpunta na kami sa mga bata

tuwang tuwa kami habang nagpapaligo sa kanila kasi sinasamahan nila ng harot na kala mo kilala talag nila kami..

SHANE POV

Natutuwa akong pagmasdan magpaligo sina Franz di ko akalain na mahilig pala siya sa bata walang arte siyang kinukuskos ang katawan ng batang nililiguan niya samantalang etong katabi ko na si Sheng kanina pa sumisimple maglagay ng alcohol tss

tapos na kaming interviewhin si aling miling hinihintay nalang namin sila Franz na matapos sa ginagawa nila

ilang minuto pa ay lumapit na sila samin at ang nakakatuwa karga pa ni Franz ung bata kala mo anak niya e tuwang tuwa din naman yung bata habang karga niya

may ganitong side pala si Franz kahit mayaman e nagagawa niyang makisama sa mga taong nangangailangan..

natapos ang araw namin sa community nakakapagod pero masaya!

11 ng tanghali ng pinauwi na kami at ang init sobra!

buti nalang may nagpayong sakin ^___^ si Franz!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon