xxi.....

3.5K 24 2
                                    

FRANZ POV

Gulong-gulo nako!

Ewan ko ba kay Shane,kala ko moved on na kay Ralph! Kung kelan handa na kong umamin sa kanya…ganito pa nangyari.

==================================FLASHBACK=========================================

“hello, tita? Medyo malelate po si Shane ng uwi mamaya,may pupuntahan po kasi kami…ok lang po ba?”

Pagpapaalam ko sa mma ni Shane.

“oh sige Nak..basta alam ko naman ikaw ang kasama nya panatag na ang loob ko” pagpayag ni tita

Excited at medyo kabado nako a mangyayari ngayon….this is it pansit!

Nagpareserve ako ng isang romantic dinner sa isang kilalang glass garden ditto. syempre matagal ko ng pinlano  at pinagisipan to.Gusto ko kasi mala fairytale at si Shane ang prinsesa ko mamayang gabi.

Napapaligiran ng mga bulaklak ang garden at nakahighlight ditto ang pink at blue rose..nagkalat din ang mga petals sa paligid ng table na nakapwesto sa gitna ng garden.nagpalagay  din ako ng konting fog effects, bubbles at butterflies na malayang nakakalipad sa ere na lalong nagparomantic sa lugar, pati mga ilaw ok na.

All set na ang lahat pati ang tutugtog ng violin ay nakausap ko na.eto na to wala ng atrasanpa! Si Shane nalang ang kulang.

====================END OF FLASHBACK================

Ngayon, habang pinagmamasdan kong nililigpit ang mga pinaghirapan ko para sana kay Shane,hindi ko mapigilang isipin na parang isang paraiso na gumuho ang lahat ng  hinanda ko.

Kanina lang ang saya ng pakiramdam ko pero ngayon wala na yata akong kahit anong tuwa sa puso na maramdaman.

Umalis nako sa lugar matapos kong siguraduhin na cancel na ang event. Ayoko isipin na talo ako sa larangan ng pag-ibig,pero eto ako masokista lang. napatingin ako sa passenger seat ng kotse at di ko pa pala natanggal ang bouquet ng bulaklak para sa kanya.

“ hayyy…Shane…bakit sya pa? pwede namang ako nalang!” para akong tanga na nagsasalita mag-isa. Huminto muna ako sa gilid ng kalsada dahil di ko na mapigilang umiyak,masakit sobra…

Mahirap palang umasa na mahal ka ng taong mahal mo. Masasaktan ka lang.

SHANE POV

Asan na kaya si Franz....taltlong araw na syang di pumapasok,hindi manlang nagsabi kung san sa nagpunta kahit ang tropa walang alam e...hinahanap pa naman sya ni nanay sakin.

====================FLASHBACK================

"Shane anak! kala ko may lakad kayo ni Franz?" tanong sakin ni nanay pero bakit alam niya?

"alam niyo po nay?" takangtanong ko sa kanya

"ay! hindi! kaya nga tinatanong ko diba..." nanay ko talag pilosopo din eh..

"di nga nay? bakit alam niyo?" slow lang talaga ako pagbigyan na

"tumawag sya dito kanina at pinagpaalam ka niya kaya aam ko...ngayon alam mo na?" sabi niya

tumango nalang ako at nagtungo na kwarto. san naman kaya dapat ako dadalhin nun ni Franz at talagang pinagpaalam pa ko...

==================END OF FLASHBACK==============

Ayoko naman syang kulitin sa text at tawag baka kung ano pang isipin niya

kahit si Kate na bestfriend niya di alam kung nasan sya! buhay naman pag may kulang parang nakakainis!

naglalakad nako ngayon papunta classroom medyo nalate kasi ako  ng gising.

papalapit palang ako sa classroom ay naririnig ko na ang tawanan ng mga tao sa loob! at ang ingay!

ano kayang meron??

pagpasok ko grabe nangingibabaw ang boses ni Kate!

"girl! bilisan mo may chika ako sayo!" hila sakin ni Kate papasok ng room

"teka! ano ba yun? excited lang te?" tanong ko sa kanya

"tsk! hindi no!  uhmmm... pero medyo! Oo na nga lang!" gulo talaga kausap neto ni Kate nakakatol nanaman siguro

"ba naman yan Kate nu bang meron?!" pasigaw na tanong ko sa kanya daig pa kitikiti gumalaw kasi

"eh kasi nga....papasok na daw si Franz ngayon!! yehey!" parang bata na pumapakpak pa tsss

"ah talaga?! Oh asan sya?!" parang nabuhayan naman ako sa narinig ko

"wala pa! nakita mo na ba?" mga taong kausap ko pilosopo badtrip lang!

"gago ka talaga Kate!" sigaw at hinampas ko sya sa braso

"ouch men! sinabi ko na nga sayo e! dyan ka na nga! tse" walk out queen tong si Kate kahit kelan

bakit mas late pa sakin yun eh sya dati laging nauuna dito,ok na nga lang! atleast papasok na ulit sya excited nako makita si Franz!!! di ko sya miss no! may Ralph nako!

pero eto ako parang tanga na tingin ng tingin sa wall clock,parang ang tagal ng oras! asan na kaya yun? baka jamming lang to si Kate at pinagtitripan ako!

magsiimula na ang klase pero parang wala p kahit anino ni Franz

ewan ka Kate! kainis!

nagsimula na nga ang klase at pinagsulat kami ng lecture.tamad magturo si sir sy dahil wala si peyborit student niya

TOK!

TOK!

TOK!!

bago yun ah! may kumatok sa classroom dati derecho pasok lang, sino naman kaya yung kumatok na yun!

WOAAAAHHH!!!  si FRANZ ba talaga tong nakikita ko ngayon???

yung dating mala F4 na hairstyle niya iba na!

mas maiksi na parang under cut pero di ganun kasadsad nagmuka na talaga syang lalaki sa itsura niya!

at infairness....

ang GWAPO!!!!

oh wait!!! sinabi ko bang gwapo  sya??

Oo na nga! gwapo sya ngayon medyo kulay gold yung buhok niya pero di matingkad ah ano kayang nakain neto bakit parang ang fresh fresh niya tingnan ngayon.

=========================================================

SORRY GUYS MEDYO NAGTAGALAN LANG PO...

GANYAN BA TALAGA PAG BROKEN HEARTED?? NEW LOOK???? SALON ANG KARAMAY??

BAKIT KAYA?? VOTE COMMENT SHARE PO!! THANKYOU!!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon