xxx.....

3.6K 33 7
                                    

SHANE POV

At last! Natapos din lahat ng duty! Clearance nalang at pagaapprove ng cases..may time na rin para makapagpahinga kahit konti..

Kaya naman papunta kami ngayon sa bahay nila Johnson,paplanuhin naming kung anong pwedeng gawin ngayong para makapagbonding!

“excited nako! Saan kaya tayo lalamyerda?” masayang tanong ni Kate  samin nasa likod sya ng kotse ni Franz katabi si Ben

“Oo nga sana magkasundo tayo lahat para maging okay to!” pumapalakpak na sabi ni Ben

Natatawa lang kami ni Franz sa harap parang mga bata kasi tong dalawa,kung anu-ano iniimagine eh..

Pagdating sa bahay ni Johnson ay tumuloy kami sa paborito naming tambayan dun..ang kubo!

Kumpleto narin ang tropa kaya naman nagumpisa na ang magulong usapan

“O,guys! Suggest kayo saan tayo pwedeng magpunta,may two weeks tayo na pahinga bago gumawa ng cases” si leader Johnson ang nagumpisa magsalita

“alam ko na! sa Puerto Galera!” si Pat ang unang nagsuggest

“ayoko sumakay ng barko!” sabi ni Sheng kahit kelan kontra to eh..

“uhmmm…sa laguna nalang!” sabi ni Nicole

“lagi ka na ngang nandun di ka pa nagsawa?” tanong sa kanya ni Johnson may bahay kasi dun si Nicole at madalas nandoon siya

“sa batangas nalang!” suhestyon ni Jheng

“Oo batangas nalang!” sangayon nila Kate

“guys…ako nagyaya..wag niyo naman ako pauwiin sa bayan ko..di ako mageenjoy! Alam niyo naman na pagnalaman ng pamilya ko na dun tayo sa amin malamang kayo titira!”  Oo nga pala taga Batangas si tanda

Di na namin malaman kung saan talaga pupunta,sabay sabay na sila nagsasalita

“sa batangas!”

“hindi! Puerto nalang!”

“La—Gu—Na--!!!”

Palipat lipat kami ng tingin di na naming malaman kung kaninokami susuporta!

Hanggang pinigilan sila ni Franz!

“hep!!!! Time out!!!” pigil ni Franz sa kanila na parang referee at pumagitna pa sa kanila na parang hinawi silang mga maiingay “sige,para walang away…sa Ilocos nalang tayo! Sagot ko na tutuluyan natin pati sasakyan pero kayo bahala sa Gas ha!” yun naman pala pinatagal pa eh..

“eh diba malayo yun? Saying byahe natin!” kontra nanaman ni Sheng!

“hay naku Sheng! Kung ayaw mo..wag ka sumama!” sabi ni Kate sa kanya

“medyo lang naman mga 6 to 8 hours yung byahe pero sulit naman yun pagdating natin dun!” sabi ni Franz

“O nga! Saka okay na yun! Gas nalang sagot natin pati food ayaw niyo pa? kesa mamasahe tayo!” sangayon nanaman ni Kate

“Any violent reaction guys??” tanong ni Johnson sa kanila at tinignan isa-isa

Unang tinignan si Ben “wala,okay nako dun!” nakangiting sabi niya

“ako rin!” si Pat

“mas lalo ako!”si Kate

“ak---“ din a natuloy ni Sheng yung sasabihin niya dahil kinontra na agad ni tanda

“kung ayaw sumama de wag!” sabi ni Johnson

“sasabihin ko lang naman na sasama ako!”sigaw ni Sheng ayun naman pala dami pang reklamo

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon