Chapter 1

21.7K 319 105
                                    

Chapter 1

+

"HINDEEEEEEEEEEEE!!"humahangos na bumangon si Ysa.

"Ysa! Ysa! Anak.."tawag ni Lina sa anak, napatakbo agad ito sa silid ng anak ng marinig ang pagiyak nito. Napadilat si Ysa at napayakap sa ina, nagiiiyak ito.

"Anak, bakit? Anong nangyari? Nanaginip ka ba ng masama?"alalang alalang tanong ni Lina sakto namang pasok ni Flor na may dalang tubig, agad nya itong binigay sa kapatid ngunit nanlalaki pa rin ang mata nito sa takot.

"Ma, buhay sila.. Buhay sila Ma.. Buhay ang babaeng nakaitim at si Lexin, buhay sila.. "iyak ni Ysa habang mahigpit na nakayakap sa ina.

"Hija, wala na sila, patay na sila.. Wag ka na matakot.. Ilang linggo na ang nakalipas at saksi pa tayo ng ilibing si Lexin. Kaya wag ka na magalala.."pagpapakalma ni Lina sa anak.

"Pero Ma, sa panaginip ko, nandoon si Alexa, sinabi nyang mauulit ang dapat maulit dahil mali ako sa paggamit nung batong bigay nya.."iyak ng iyak pa rin si Ysa, naalala pa rin nya ang nakakikilabot na eksena sa panaginip nya.

****

Pumunta sya dito at hindi na kumatok pa, dire diretso ito sa loob at doon ay hindi nga sya nagkamali dahil buhay si Alexa. Nakaupo ito sa loob ng nakapabilog na kandila sa kanya.

"Nakabalik ka na pala Ysa.. Natalo mo na sila.."makahulugang sabi nito.

"Anong ibig mo sabihin?"usisa ni Ysa na nagulat sa sinabi nito, para kasing alam nito ang nangyayari.

"Nagamit mo ang bato, malamang ay natalo mo na ang babaeng nakaitim.."wika ni Alexa.

"Alam mo pa rin.."

"Alam ko ang lahat.."

"Matapos ang pagkamatay ni Lexin ay pinabless muli ang puntod ni Lucia, at di na sya muling nanggulo pa, marahil ay tahimik na sila kung nasaan sila.."sagot naman ni Alexa.

"Nasunog mo ba ang labi nya?"tanong ni Alexa.

"Hindi Bakit?"kitang kita ni YSA ang takot na gumuhit sa mukha ni Alexa.

"Ginamit mo ang bato na hindi natatapos ang pagsugpo sa babaeng nakaitim.. Ysa! "mataas ang boses na sabi ni Alexa.

"Bakit? Ano bang problema?"takang tanong Ni Ysa na nagpapanic na rin.

"BABALIK SILA YSA! BABALIK AT BABALIKAN KA NILA! MAUULIT ANG MGA DAPAT MAULIT! AT SA PAGKAKATAONG ITO AY WALA KA NG KAWALA!"pagkasabi noon ay isang malakas na hangin ang umihip kasabay ng nakakikilabot na tawa ng babae. Nagpatay sindi ang ilaw at kitang kita nya kung panong lumitaw ang babaeng nakaitim sa harapan ni Alexa at sinakal ito hanggang sa mamatay.

Mabilis na tumakbo si Ysa palabas pero isang pamilyar na lalaki ang nakaharang sa may pinto at may dalang malaking palakol.

Campus Queen (Book 2) (SUPER SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now