CHAPTER 35

31.9K 320 31
                                    

AARON'S POV:

Kinakabahan ako, papunta ako ngayon sa hospital tumawag kasi yung kasambahay namin, isinugod daw si Yna sa hospital, Nung may inaayos daw kasi sa kusina nahulog sa upuan na tinutungtungan, eh nagulat nalang daw si manang kasi dinugo daw.

Shet. Wala naman syang nabanggit na delayed sya or something. Baka hindi nya din alam. Ang baby. 

Halos paliparin ko na yung sasakyan, gustong gusto ko ng makarating agad sa hospital. Gusto ko paggising ni Yna andon na ako.

Two months after ng anniversary namin, imposibleng ilihim nya sa akin na nagdadalang tao sya.

Imposible din na umakyat akyat pa sya kung alam nya na buntis sya. 

Lord, bakit naman po ganito? Ibibigay nyo tas babawiin agad?

Naiiyak na din ako. Gusto ko ng makita si Yna. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya.

"anong room ni mrs. villaluz?" halos tumakbo na ako pagbaba ng sasakyan. 

"room 123 po"

Dali dali na akong pumunta don, tamang tama pagdating ko don saktong paglabas ng doctor.

"Dra. ano pong lagay ng asawa ko? ok lang po ba sya?"

" ok naman sya, kaso sorry pero kailangan namin igive up yung baby,"

"ilang buwan na po ba syang buntis doc, wala naman syang nabanggit sa akin eh"

"2 months na iho, hindi nya din siguro alam, baka akala nya nag irregular lang yung monthly period nya"

"mahihirapan po ba syang magbuntis ulit?"

Naiiyak talaga ako, kahit sabihin na hindi pa sya ganon kabuo. Anak ko pa din yun eh. Ang tagal naming hinintay tapos mawawala lang?

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Where stories live. Discover now