CHAPTER 17

46.1K 455 22
                                    

AARON'S POV: 


Andito na ako sa company, matapos kong maihatid si Yna nung isang gabi hindi pa ulit kami 

nagkikita, miss ko na nga sya eh. Kaya nga an aga kong pumasok ngayon para hintayin sya sa may Employees entrance.

Wala din kaming communication kahapon, maghapon ata syang tulog sobrang nahilo sa byahe pabalik, hindi ko na naman kinulit kasi baka topakin na naman yun. Ang hirap palang magkaroon ng topakin ng girlfriend. 

"pre sinung hinihintay mo? Himala ata at ang aga mo ngayon??" si clark, natatandaan 

nyo sya? Sya yung pinagselosan ko dati. Siguro ito yung takot na nararamdaman ni Yna, hindi 

naman ako nag aalala na mabaling yung pagmamahal nya sa iba pero hindi ko maiiwasan 

yung ibang lalaki na may lumapit sa kanya. 

"si Yna pre" 

"nililigawan mo ba sya?? pumayag sya? ako kasi walang malinaw na sagot na nakuha sa 

kanya eh" so talaga pa lang may pagtingin sya kay Yna, buti na lang talaga at nagseryoso ako ng 

panliligaw sa kanya kung hindi baka napunta na sya sa iba. 

"hindi ko sya nililigawan" tama naman di ba? ^_^ tapos na ako sa stage na yun. Ang goal ko na 

ngayon eh mawala yung takot na nararamdaman nya about sa relationship namin. 

"ayos, so pwede pa pala akong pumorma sa kanya? mahal ko talaga sya eh" asar naman. 

pwede bang itanan ko na si Yna, magpapakasal na kami, ayaw ko ng mga ganitong sitwasyon baka makapatay ako. 

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Where stories live. Discover now