Piercing

141 5 0
                                    

Gusto ko sana magpabelly pierce kaya nagpunta kami sa isang piercing shop sa mall.

Naginquire ako sa isang stall sa gitna.

"Kuya, masakit ba pag magpapierce sa gilid ng tenga?"

"Hindi ah. Siguradong magiging "in" ka kapag nasubukan mo ito. Lahat sila natry na magpaganito!"

Undecided pa talaga ako. 'Itutuloy ko ba to oh hindi... Sige na nga bahala na!

"Sige magpapabutas na ako sayo Kuya."

"Yan ang gusto ko eh!"

"Kuya, dahan-dahan lang po ha, first time ko kasi," pakiusap ko kay Kuya.

"Wag ka magalala matulis naman to kaya mabilis lang."

"Mas okay ata kung bibiglain ko na para isang aray ka lang," dagdag pa niya.

"Wag, baka mawarak yung laman ko. Dahan-dahan lang."

Ipinasok na ang

...karayom sa tenga ko unti-unti.

Napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa upuan ko.

"Eto na, ipapasok ko na.. Eto na...

Malapit na.."

"Ah..

Ah..

Aray.."

"Teka lang nahihirapan ako makapal ang balat mo e."

Lalo ako nasaktan dahil hindi niya maipasok ng maayos ang karayom.

"Bakit nasa gitna ka na e hinatak mo pa ulit palabas?! Masakit kaya!"

Pawis na pawis ang buo kong katawan dahil sa kaba.

"Kaunting tiis lang. Saglit lang 'to bibilisan ko."

"Araaaay!" hiyaw ko. Napakasakit ng pagbutas ni Kuya sa akin.

"Kita mo na? O diba mas okay kung biglaan!"

"Eto isubo mo muna para hindi naman nakakahiya. Naririnig kasi ng lahat ang sigaw mo."

Iniabot niya sa akin ang isang mansanas.

"Malinis ba to?" tanong ko.

"Oo naman, it's clean. I washed it!"

Di nagtagal ay sinimulan na rin niyang yariin ang kabilang tenga ko.

"Mmm.... Mmmm!" hiyaw ko pero di makalabas ang boses ko dahil sa busal sa aking bibig.

"Tapos na tayo. Okay ba?"

Bago pa naman ako makasagot ay nakita ko sa salamin na may dugong tumutulo sa bagong butas kong tenga.

"Aaaaah! Dinudugo ako! Kuya anong ginawa mo sakin!"

"Normal lang yan lalo na't first timer ka. Haha. Heto punasan mo."

"Sabi mo hindi masakit, ang sakit sakit kaya!"

"Ngayon lang yan, mamaya wala na."

Inabot ko na ang bayad at umalis na ako.

Paglabas ko ng shop niya na nasa gitna ng mall ay nakatingin sa akin ang ibang tao sa labas.

"Grabe tignan mo yang babae o kung ano ano pinagsisigaw. Ano kayang ginawa nila sa loob. Hihihi," hagikgik ng mga tsismosang saleslady.

"Mga tsismosa!"

Nagmadali akong umalis dahil nakakagalit yung mga tsismosang saleslady.

Authors' Note:

03/02/14

Sorry ang lame ng update! Finals ko bukas e pls pray for me! Haha.

Greenmouthed GigiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon