Hotdog

302 7 3
                                    

Niyaya ako magmall ni Dick. Actually may gusto siya sa akin pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Nagpasama na rin siya sakin maggrocery. Ubos na kasi ang laman ng pantry ng condo niya. Independent kasi siya dahil nasa abroad ang tatay niya at ang nanay at mga kapatid naman niya ay nasa Cebu. Sinundo niya ako sa bahay at nagpunta kami sa mall para manood ng sine.

Matapos namin manood ng "Iputok Mo, Dadapa Ako"

starring Vic Sotto at Francis M, dumiretso na kami sa grocery. 

Halos lahat nabili na niya pero nag-isip siya kung ano pa ang kulang.

"Hm ano pa kayang bibilhin ko?" tanong niya.

"Frozen food?"

"Hotdog! Saan kaya dito?"

"Eto! Ayan oh," turo ko sa kanya sa ref ng hotdog.

"Eto jumbo hotdog gusto ko," sabi niya sabay kuha ng isang kilong jumbo hotdog.

"Dick, kumakain ka ng jumbo hotdog?!" hysterical na tanong ko.

"Oo, masarap kaya. Di ka ba kumakain ng jumbo hotdog?"

"Ay hindi ako kumakain ng red na hotdog e."

"Eh ano lang?"

"Yung brown lang," sagot ko.

"Ganun? Mas masarap kaya yung red na hotdog," pagpumilit niya.

"Hindi ah. Mas masarap yung brown kasi may lumalabas sa loob," sagot ko.

"Merong mga hotdog na pula rin naman na may lumalabas galing loob eh," paliwanag niya.

"Eh basta yung brown na hotdog nga ang paborito ko."

"Ha.. Anong brown na hotdog ba ang tinutukoy mong paborito mo?" tanong niya sakin pero iba ang tingin niya parang medyo malaswa.

"Cheesedog! Bakit may iba pa bang brown na hotdog?"

"Ah eh.. Oo naman. Gusto mo ba makakita?"

"Sige!" maligayang sagot ko. Ano kaya yung tinutukoy ni Dick na ibang brown na hotdog?

"Sige, mamaya sa condo ko. Ipapakita ko sayo," paliwanag naman niya.

Nagbayad na kami ng mga pinamili niya.

Sa condo ni Dick.

"Sigurado gutom ka na," sabi niya sa akin.

"Oo nga eh. Bakit, pakakainin mo ba ako?" tanong ko.

"Eh gusto mo bang magpakain ako?"

"Syempre naman. Kanina ko pa nga gustong kumain e sa mall pa lang," sagot ko.

"Di mo naman sinabi, edi sana kanina pa kita pinakain doon. Di bale, upo ka lang diyan, siguradong mabubusog ka at masasarapan sa ipapakain ko sayo," sabi niya muli.

Ako naman ay di na makapaghintay kaya tinulungan ko na siya sa pag-tatanggal niya ng...

mga pinamili namin para mailagay na sa brief este sa pantry niya.

"Easy ka lang, umupo ka na muna dun ihahanda ko lang para siguradong magustuhan mo at di mo makalimutan ang ipakakain ko sayo."

"Fine." Umupo na ako sa sofa niya at nanuod na lang ng TV.

Nagsimula na siyang magluto. Kakaiba yung amoy, ano kaya yun?

"Ano ba yan, ang baho naman ng ipapakain mo sakin!" 

"Hindi. Masasarapan ka dito pag natikman mo na. Ganyan lang talaga ang amoy niyan...

kapag niluluto," paliwanag niya.

"Oh ayan okay na! Pero bago ang lahat pumikit ka muna para may suspense."

"Ang arte naman neto eh!"

"Sige na."

"Okay, sige na nga."

Naaamoy ko na yung ipapakain niya sa akin dahil inilapit niya sa mukha ko para siguradong masabik ako. Tini-tease ako kumbaga. 

"Uy parang nag-iba yung amoy ha. Natatakam na ako ngayon! Patingin na!"

"Open your eyes in 3, 2, 1!"

"WOW!

...ang laki ng hotdog mo, Dick!"

"Malaki talaga yan! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyang kalaking hotdog?" tanong niya.

"Oo eh."

"Sawa na nga ako diyan kasi araw-araw ko nakikita. Tikman mo na, masarap yan."

Kinuha ko na agad agad ang hotdog na nakahain sa harap ko.

"Ang laki talaga nito. Ano bang tawag dito?"

"German sausage yan, padala ni Papa. Tikman mo na, dali. Sigurado ako hahanap-hanapin mo yan!"

Nilagyan ko muna ng mayonaise yung German sausage at isinubo ko.

*ubo* "Dick..." *ubo* "di ako..." *ubo* "makahinga..." Nabulunan ako ang laki naman kasi talaga like whoa yung ganung hotdog! 

Inabutan niya ako ng tubig. 

"Ikaw naman kasi ang laki agad ng isinubo mo. Unti-untiin mo lang para di ka mabilaukan."

"Hehe. Sorry, ang laki kasi nung hotdog na ipinakain mo sakin. Pero bakit parang matigas yung loob, ganun ba talaga yun?"

Namutla siya sa sinabi ko.

"Ah, oo ganyan talaga pag German sausage," sagot niya.

"Gigi, may puti ka sa may labi, dito oh. Medyo makalat ka pala kumain, ano?" tukso niya.

"Ha... Ano hindi kasi ako sanay kumain ng ganung kalaking hotdog," paliwanag ko sabay dila sa mayonaise sa paligid ng bibig ko. 

"Ganun ba, di bale. Kahit araw-araw yan ang ipapakain ko sayo dito ka lang magstay sa condo ko," biro niya pa.

"Ikaw talaga, Dick."

Nagkwentuhan kami at nagtawanan habang kumakain ng niluto niya. Pagkatapos ay inihatid na rin niya ako pauwi sa amin.

"Dick, thank you sa masarap mong hotdog ha."

"Walang anuman, alam mo bang sayo ko pa lang pinatikim yun," pag-amin niya.

"Talaga?" kilig kong tanong.

 "Oo. Ikaw kasi ang gusto kong unang makatikim niyan e. Espesyal ka kasi sa akin, Gigi." 

"...Ah, thank you. Sige, papasok na ako Dick ha? Thank you ulit, good night!"

"Good night Gigi. Sana nagustuhan mo ang pinakain ko sayo ngayong gabi."

Pumasok na ako ng bahay at dumiretso sa kwarto.

A/N:

Itutuloy ko pa ba to? =)) :|

Greenmouthed GigiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon