Itlog

330 7 0
                                    

Bumaba ako pagkagising at dumiretso sa lamesa.


"Wala pang ulam?!"


Err. Sino ba namang hindi mababadtrip kung paggising mo e wala pang nakahandang almusal?


"Anak, sige na bumili ka na lang ng itlog sa tindahan," utos ng nanay ko. Naka day off kasi ang katulong namin.



"Si Kuya na lang pabilin mo Ma," tutol ko naman.



"Eh naliligo pa ang Kuya mo. Sige na bumili ka na eto ang pera," sabay abot sakin ng barya.


Pumunta ako sa pinakamalapit na tindahan.





"Pabili!"








"Ano yun?"












"Ate, may itlog kayo?"



















"Wala eh," natatawa niyang sagot.





'Anong nakakatawa?'











"Baka sa kabila, si Kuya, mayroon," dugtong pa niya.





Badtrip naman. Ba't walang itlog si Ate! Sows mapapalayo pa tuloy ako.









"Pabili!"









"Ano yun?"











"Kuya may itlog kayo?"











Hindi sumasagot yung tindero. Namula lang siyang parang kamatis.








'Problema neto?'






"Kuya! Sabi ko may itlog ho ba kayo?" gutom na gutom na ko pinapainit ni Kuya ang ulo ko.






"Ah-oo. Meron. Ano gusto mo? Meron ako malaki at maliit."





'Wow galing. Iba iba ang size ng itlog ni Kuya!'




"Alin ba ang mas masarap?" tanong ko.





"Kahit ano. Depende naman sa kakain," sagot niya na natatawa tawa.




"Ah yung mas malaki na lang para nakakabusog," sabi ko.


Kumuha siya at iniabot sa akin ang apat na itlog.



"Teka Kuya, parang ang baho nitong itlog niyo. Umaalingasaw amoy bugok. Ayoko nito," pamimintas ko. Ang baho naman kasi talaga bulok na ata.


Kinuha niya ang itlog at sinabing, "Ay oo nga, masangsang ga itong itlog ko. Teka hugasan ko lang!"



"Wag mo nang hugasan! Palitan mo na lang!"



"K."



Pumasok siya sa loob at pagbalik ay may dalang bagong itlog. Iniabot ko naman sa kanya ang bayad ko.


Umuwi na akong masang masaya dahil may itlog akong makakain! Yey!



"Anong gusto niyong luto sa itlog?" tanong ni Mama.



"Ako malasado," sagot ko.



"Josep! Anong gusto mong luto?" tanong ng nanay ko.

Nasa banyo pa kasi ang kapatid ko.

"Hindi ata narinig ng Kuya mo. Gigi tanungin mo nga," pakiusap ni Mama.

Eh tinatamad rin akong lumapit sa may banyo. Kaya sumigaw na lang ako.

"Kuyaaaa! Ano daw ang gusto mong luto sa itlog mooo!"

"Gigi! Wag ka ngang sumigaw nakakahiya sa kapitbahay!"

"Nilaga na lang!" sagot naman ng kapatid ko.



Yes! Luto na! Kainan na! Wooh parang gustom na gutom ako ah.




Kinuha ko yung isang itlog ni Kuya. Natakam ako sa nilagang itlog!


Lumabas na sa banyo ang kapatid ko at nagulat siya dahil subo subo ko ang itlog niya.




"Ba't mo kinakain yung itlog ko?!"




"Sorry Kuya ang sarap kasi itlog mo e," sabi ko habang nakapeace sign.



"Meron pa ko natira malasado pero kung gusto mo magbati ka na lang ulit ng itlog sanay ka naman magbati diba?" suhestyon ko.



"Por santos! Ano ba naman yang pinagsasasabi niyo nasa harap ng pagkain!"



Hindi ko naman naintindihan yung banat ni Mama. Ba't ba galit na galit siya? Hmp. Inenjoy ko na lang ang pagkain sa malaking itlog ng Kuya ko.





A/N:
Di pa tapos to. Haha. Abangan ang susunod! Vote or comment kayo :)

Greenmouthed GigiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon