Kanto Tinioco

324 4 0
                                    

Pauwi na ako. Pagod na pagod ako sa school kaya napag-isipan kong magtricycle pauwi. Nangangati na rin ako nagpunta kasi kami sa bodega para ilagay yung props na ginamit sa org fest kahapon.

"Kuya, Kanto Tinioco," sabi ko sa tricycle driver.

Nagulat ang tricycle driver sa sinabi ko.

"Ano nga yun, miss?"

"Kanto Tinioco," sagot ko. Bingi naman neto naisip ko.

"Sigurado ka?" tanong nung driver na parang nakangisi.

"Tokwa! Oo nga kuya siguradong sigurado, KAN. TO. TI. NIO. CO!"

"Oh ano pang hinihintay mo? Now na! Nangangati na ako!" sigaw ko sa kanya.

Pinaandar naman ni Manong yung tryc at nakauwi na ako. Nung iniabot ko ang bayad kay Manong ay kinindatan niya ako. Kadiri talaga. "Next time na lang kita kan-"

"Bastos!" sigaw ko. "Ikaw nga ang bastos dyan! Hahaha," sagot niya. Pumasok na ako ng bahay dahil baka masapak ko pa si Manong driver.

Hindi ako makatulog. Bigla na lang din pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako tinawag na bastos ni Manong.

Ang sinabi ko lang naman eh, 'Kanto Tinioco.' Anong mali dun? Kanto Tinioco... Kanto Tinioco...Kanto Tinio...

"Oh my god!" naibulalas ko. Dun ko lang narealize ang nakakahiyang pagkakamali ko!

Greenmouthed GigiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon