Chapter 9

320 10 0
                                    

8pm: Pagkatapos namin kumain ng hapunan nila Mama at Papa, nag-internet na ako. Pagkabukas ko ng fb at nag-message sa akin si Papa Xi. Sabi niya: “Happy birthday again Mae. I love you and I mean it. I want you to be my girlfriend. ”

Sobrang naguluhan ako sa sinabi niya pero I think I am falling in love him. Wala naman masama kung heto ang nararamdaman ko. Naisipan ko ngayon, did he mean it that loves me or it’s just a game of love?

Buong magdamag tinatanong ko sa sarili ko, “In love na ba ako kay Papa Xi?” Oo in love na ako sa kanya at nararamdaman ko naman na mahal niya ako. Kahit takot ako masaktan, sasagutin ko na siya kapag nag-effort siyang magkita kami.

Kinabukasan, 12pm na ako nagising. May pinadala na naman si Papa Xi na flowers.

Mama: Good afternoon Anak. Tanghali na, ngayon ka pa lang nagising.

Ako: Opo nga Mama. May inisip lang ako kagabi kaya 2am na yata ako nakatulog.

Mama: Ano ba ang iniisip mo?

Ako: Nag-message sa fb kasi si Papa Xi, sabi niya mahal niya ako at gusto niya akong maging girlfriend.

Mama: Anak, mahal mo na ba siya?

Ako: Opo, mahal ko na siya. Kaya lang po natatakot ako kapag kami na mawalan na siya ng oras sa akin.

Mama:  Anak, kung saan ka masaya susuportahan ka namin. Basta alagaan mo lang ang puso mo.

Pagkatapos kong magtanghalian, tinawagan ako ni John.

John: Hello Mae, oupuntahan kita dyan.

Ako: Huh? Bakit mo ako pupuntahan dito?

John: Susunduin kita kasi kailangan kang kausapin ni Xi.

Ako: Sige. Anong oras mo ako susundoin?

John: Siguro 3:30pm nandyan na ako.

3pm: Naligo na ako at nagbihis ako ng maayos. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. May pakiramdam ako na meron ibang mangyayari.

3:20pm: Dumating na si John sa bahay para sundoin ako at mga 4pm nasa isang restaurant ako.

Pagkadating ko sa restaurant, nakita ko agad si Papa Xi. Nilapitan niya agad ako.

Papa Xi: I’m really sorry. I don’t mean it.

Ako: What? Why you said sorry? I don’t get it.

Papa Xi: Hindi ako ang lagi mong ka-chat at hindi ako ang nanliligaw sa iyo.

Ako: What? Sino ang tao na may gusto sad aw sa akin?

Habang nag-uusap kami Papa Xi, may lumapit sa amin.

“Mae, ako talaga ang ka-chat mo. Ginamit ko lang ang pangalan ni Xi dahil noong college pa tayo, hindi mo ako pinapansin.” Sabi ng isang lalaki.

Pagkalinon ko sa nagsasalita, nakita ko ang lalaking kamukhang-kamukha ni Papa Xi. Siya pala si Xander, ang kakambal ni Papa Xi.

Ako: Xander, ikaw pala ang kakambal ni Xi. Bakit mo ginawa sa akin yon?

Xander: I’m sorry Mae. Hindi ko sinasadya. Noong una, gusto ko lang ikaw maging kaibigan pero...

Ako: Pero? Ano? Na-in love ka na sa akin? Ayun ba ang sasabihin mo? (sabat ko kay Xander. Galit na galit ako sa kanya.)

Xander: Oo ganun nga. Sana huwag ka ng magalit sa akin.

Ako: Sana hindi ako magalit? Heto na nga, nagagalit na ako. At hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan.

Xander: Hanggang galit ka, hindi ko titigil sa sa pag-sorry sa iyo.

Ako: Sa tingin mo mapapawad kita? Dalawang tao ang niloko mo. Ako at ang kapatid mo. Manloloko ka.

Umalis na ako, kahit hinabol pa ako ni Xander. Gulong-gulo ang utak ko at hindi ko na alam kung sino ang laman ng puso ko,  si Papa ba na lagi kong nakikita at nakakasama pero panandalian lang o si Xander na nagbigay sa akin ng oras at nagsabi na mahal niya pero ginamit niya ang pangalan ng kaptid niya at niloko ako.

Habang tumatakbo ako palayo kay Xander, hindi ko alam na may malapit na taxi… Mabubunggo na ako…

Abangan kung ano ang mangayayari Mae.

Xander’s Point of View:

Ako si Xander, 22 years old at kamba ng isang artista nilang Papa Xi. Simple tao at gusto ko lang ng simpleng buhay. Accountancy Graduate.

Noong 4th year collage pa lang ako, meron ako may crush ako na 3rd year mascom student. Sobrang ganda, matangkad at matalino. Mae Ng ang pangalan niya. Kaya lang hindi ko siya malapitan dahil madaming ang nagkkakagusto sa kanya.

Minsan, noong sumali ako sa basket ball. Practice namin at nagkataon nandoon si Mae. Kausap niya ang kaklase ko, so lumapit ako.

Ipinakilala ako ng kaklase ko na si Andy kay Mae.

I am A FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon