Chapter 4

404 9 0
                                    

After two weeks, may nakapost sa fb group na fans club ni Xian. May schedule ang co-members ko na sila pupunta sa taping ni Papa Xi. Pinapayagan naman ako nila Mama at Papa. At lagi na ako sumasama sa taping, gusseting at mall show ni Papa Xi.

Sobra saya maging ni Papa Xi, lagi ako nag-eenjoy kapag kasama sila Mitch, John at Gia at iba pang member.. Laging nagkakatuwaan at sobrang bait ng mga handlers ni Papa Xi.

Isang araw, pagkagaling sa taping ni Papa Xi, noong  hating gabi na, binuksan ko ang fb ko at nagulat ako sa nag-friend request sa akin… Si Papa Xi in-add ako sakto pagka-accept ko ay online pa din siya.

Ako: Hello Papa Xi!

Papa Xi: Hello Mae.

Ako: Kumusta na?

Papa Xi: Ok lang naman. Heto nandito na sa bahay after ng work.

Natigil ako at napaisip, inisip ko kung si Papa Xi ba ito o poser. Kinakabahan ako baka hindi talaga ito si Papa Xi. Tinanong ko si Mitch..

Ako: Mitch, may friend request ka ba galing kay Papa Xi?

Mitch: Oo. Friend ko na siya ngayon. Bakit?

Ako: In-add niya din ako. Siya kaya yun?

Mitch: Oo, siya yun.

Si Papa Xi nga yon at nawala ang kaba ko. Pagkatapos namin magchat ni Mitch, nagchat uli kami ni Papa Xi. Sobrang bait at parang hindi niya ako fan lang, tinatrato niya din ako na kaibigan.  

Akala ko ayun ang first & last naming pagcha-chat  pero mali ako.  Lagi kaming nagkaka-chat every 11pm.  Minsan nag-a-alarm ako sa cellphone ako para gumising lang at para mag-chat kami ni Papa Xi.

I am A FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon